Chapter 36: Annoyed

2.2K 31 0
                                    

Their wedding is next week na. Nakatingin lang naman ako sa wedding invitation na ito.

Farrah Festin & Eros Conte

Napasmirk ako nang wala sa oras.

"Tang ina." I said. Pero pagkatapos kong sabihin iyon ay sinubuan kaagad ako ni markus ng pandesal.

"Kumain ka na lang kesa murahin ang papel yan."

"Susunugin ko to." Sabi ko sa kanya. Tinignan ko siya na nakatingin sa akin.

"What?" I asked.

"May natanggap akong message eh." He started.

"Ano na naman?" Sabi ko sabay inom ng gatas. Nag-aalmusal kami ni markus ng sabay.

Kung iisipin, pag may nakakita sa amin talagang mapagkakamalan kaming mag-asawa kasi narito naman ako sa bahay niya nakatira. Tapos, I'm working with him. Tapos isa pa to. Ang pagpapanggap naming dalawa na isang married couple.

"Outing."

Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Seriously? Outing? Pinagloloko ba nila kami? Gusto ba nilang magkakaroon kami nito ng reunion o ano?

Bullshit.




-

"Handa na ba ang foods? How about blankets? Boys, take good care of my daughter." Sabi ni Fe.

Napairap na lang talaga ako na nakaupo na sa front seat. Pwes si Markus naman ang magdadrive sa Van na ito. Pinili ko nang tumabi sa kanya kesa makisiksik sa conte at festin.

Sinuot ko ang headset ko at sinimulang isara ang window. Nakita ko sa side mirror na pumasok na ang Conte boys including edward, erian, ender, and eros. At ang munting prinsesa nila na si Farrah. Napangiti naman ako nang makita ko si fred na papasok din ng van. Atleast marami sa kanila ang di ko kalaban. Maliban sa dalawa at si ender na di ko man lang magawang makausap. Masyadong cold para pansinin.

Someone took my headset. Napalingon ako kay markus na nakahawak na sa manobela.

"What?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Para na rin niyang sinabing, dapat-sweet-tayo.

Napatawa naman ako kasi okay na tong magkatabi kami. At saka pagod akong makipagdrama o landian. Gusto ko munang matulog.

"Babe..." Sabi niya. God, nakakainis. "Okay ka lang ba?"

Hindi ko talaga alam kung masusuka ba ako sa lambing na boses ni Markus. I eyed him and mouthed ew.

"Hey markus, enough with the sweetness... Tara na. Baka kasi gabihin pa tayo sa gubat."

Gubat. Sa dinami daming magagandang lugar ay sa gubat pa talaga. This is Erian's fault. Actually, hindi ko nama talaga balak ang sumama pero may magagawa pa ba ako? Fred also asked me to come. Pero sabi niya na hindi daw siya tutuloy pero nang makita ko naman siya kanina ay ikinatuwa ko.

Pansin kong may dalang guitar si fred.
Kasi magkakaroon kami ng camping. Hike at ano ano pa. Exciting pero nakakatamad.

Sa gitna ng biyahe ay panay ang tulog ko. Hindi ko na pinansin ang kwentuhan. Hindi ko na nga rin tinignan ang mukha ni eros. It'll just kill me.

"Eros, are you okay?"

Ayoko mang marinig pero traydor tong tenga ko. Sana pala binalik ko na lang sa pagsuot tong headset ko, sana nilakasan ko pa ang volume kung suot ko man ito, at sana bumalik na lang rin ako sa tulog. Bwesit.

"I'm fine, babe."

Napaawang ang labi ko.
BABE?
BABE AGAD?!
Babe mo mukha mo eros.
Parang kahapon lang ako ang sweet mo tas ngayon may ka babe ka na? Hinayupak ka. Sarap mong paliguan ng tae.

Babe. Tsk. Ano yan? Baboy? Bwesit. Mukha di namang baboy si farah kaya okay lang. Bwesit. Bwesit talaga.

Inayos ko ang hoodie at halos lahat na nang mukha ko ay natakpan na. Sinuot ko na din pabalik ang headset. Pinalakasan ito ng todo. Metal rock pa pakinggan ko kung maari.

Pero nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako kay markus. Hawak niya ito at tinignan ako. Pasulyap din siya sa daan.

Napataas ang kilay ko sa ginagawa niya.

"Luh ang sweet." Erian interrupted.

Sinipatan ko naman si Markus na ngayon ay ngumiti. Abat.

Halos naman magsitayuan ang balahibo ko nang bigla niya itong nilapit sa mukha niya at inamoy. Fuck.  Hinalikan niya pa ito pagkatapos.

"Eros, what's going on with you?" Mahinang sabi ni farrah. Marlus went slow and i look at the back to see whats going on at the back.

"Shut up farrah. Pwede ba?" Sabi bigla ni eros kay farrah. Halatang naaannoy na si eros sa kanya.

Napatahimik ang iba. Sinipatan naman ni fred si eros na nasa likod nakaupo.

Napaupo ako ng maayos.
Okay,what just happened?

Book 1: Sore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon