Chapter 10: Realtalk

3.6K 53 0
                                    

Pagkatapos naming kumain sa restaurant ni Fred. Agad na kaming umuwi.

Ramdam kong nagbago ang mood niya. Yun pala siguro yung babae na pinag-aagawan ng iba.

Di na ako nagtanong o di na rin ako nakipagusap kay fred. Hinayaan ko siyang mabilis na nagmaneho kanina na halos maiwan na yung kaluluwa ko dahil sa bilis. At ngayon. Naiwan ako sa kotse na nakaupo habang pinapanuod siyang pumasok na sa bahay ng padabog.

Teenager.

Pero naisip ko. Sa lahat lahat ba naman ng babae na magustuhan ng batang to, sa may nagmamay-ari pa.

Pumasok na ako sa loon ng bahay at nadatnan ko si Farrah na papalabas pa lang rin. Di ko pinansin ang presensiya niya at tuloyan lang na pumasok sa kwarto ko at naglock.

Marami na akong iniisip.

Nakikidagdag pa yung tungkol kay Markus at Fred. Kinakabahan lang ako ng di ko malaman kung anong dahilan sa mangyayari.

I heard a knock.

"Pasok." Sabi ko.

Napatingin ako sa pintuan. It was Fe.

"Bakit?" Sabi ko sa pagbukas pa lang ng pinto.

"Bakit? Ano bang klaseng tanong yan? Wala ka talagang respeto sa nakakatanda. Kagaya lang rin sa mama mong pumanaw na."

Umusok bigla ang ulo ko.

"Ano naman ang kailangan mo?" Sabi ko.

"Wag mo kong pagaartehan, vea." Sabi niya sa akin. Lumapit siya sa akin at ngayon ay nakatayo na kaming magkaharapan at nakatutok ang mga titig sa isat-isa. She was smirking as if she's a winner already. And he glared at me like I'm some garbage.

"I want to kick you out in this house."

"Fine." I immediately said.

"Interesting? May matutuloyan ka ba?" Sabi niya.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Wala. Pero hindi naman ako katulad mo na kumakapit lang sa isang mayamang tao para lang mairaos ang sariling status. Diba? I hear their business went down nung nakikisawsaw ka a business ng mga festin?" Sabi ko. "You dull."

Nawalan na ako ng respeto sa babaeng to dahil sa mga salitang ibinao niya sa akin simula panoon nung namatay ang ina ko.

Kung maka pang look down sa mga mahihirap, para namang hindi mukhang basura.

"Eh kayo? Kumakabit sa mga taong may kaya. Tapos gaganitohin mo ako? Mataposka naming tulungan?" Sabi niya at napasinghap ako sa di makapaniwalang salita na binitawan niya.

Tulong.

"Wala kayong naitulong sa akin. Hindi ko kailan man ginusto na tanggapin ang lahat lahat ng bagay na ibinibigay niyo sa akin ng sa pilitan. Hindi ko ginusto na ipasok niyo ako sa business niyo para lang ipamukha sa isang katulad ko na wala akong silbi sa inyo!" Matigas kong sabi.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo, Villas."

"Makapal na mukha ko. Pero ang baho ng ugali mo." Sabi ko saka siya iniwan sa loob ng kwarto ko at lumabas.

Naabutan ako ni fred.

"Ate? San ka pupunta?" Kanina lang inis na inis siya. Ngayon naman ay ang lambing lambing na.

Nakita kong sumunod pala sa akin si Fe at naglabas siya ng galit sa akin sa pamamagitan ng pag-iinsulto sa akin.

"Mukhang pera! Walang silbi! Palibhasa ulila na!"

"Ma!" Sabi ni Fred.

Napalukot ang puso ko sa naririnig ko. Oo, ulila nga ako. Kailangan pa ba nilang iparamdam at isampal sa ain ang realidad na iyon?

"You better stay out of this family!" Sabi pa ni Fe ng napakalakas. Mismo laway niyaay nagtungo sa mukha ko. Bitch.

"I never wanted to stay." Sabi ko sa mata sa mata.

"Your mother begged me to keep you, you little wench!!"

"Ma, tama na!" Fred said while holding his mother.

Nanggigilid ang luha sa mata ko nang sinabi niyang nakiusap si mama na kupkupin nila ako.

Ma, bakit?

"Wag mo babanggitin ang mama ko dito." Sabi ko.

"Kasi ano!?" Sabi niya sa akin.

"Ma, ano ba!" Sabi ni fred.

"Kasi wala na siya! Kahit konting respeto man lang kahit katiting man lang. Patahimikin mo siya! Hind niya alam na kabit lang siya nang dahil sa magaling mong asawa!" I cried. "Wala kayong al kung gaano siya nahirap ng dahil sa ganitong sitwasyon. Kasi kung alam niya pa lang, hindi siya sana pumatol sa asawa mong manloloko!"

"Pero malandi ang mama mo." Sabi niya sa mukha ko kaya mabilis ko siyang sinampal ng napakalakas. Mismo si fred hindi makapaniwala sa nagawa ko.

Pero may humigit din sa akin at malakas din akong isinampal.

"Get out of this house!" Sabi ng kinikilala kong ama.

My heart broke.

I cried in pain.
I cried in this current situation that I'm dealing.

"T-tandaan mo po. Kahit kailan, hindi ako nagmamakawa na makitira sa bahay niyo. Kasyo mismo ang nagpupumilit sa akin." Sabi ko sa basag na boses.

Nanatiling nanlaki ang mata ni papa sa mga pinagsasabi ko.

"Akala ko dahil sa isa kang mabuting ama. Tinanggap ko ang lahat ng mga masasakit na ibinuhos niyo sa akin. Pero ikaw? You destroyed me as much as you destroyed my mother's heart." Sabi ko.

Nakatanggap muli ako ng sampal.

"Pa!" Fred shouted.

Wala man lang siyang magawa. He can't even save me in this hell.

"Sana di niyo na lang ako ginawa! Putangina, sana di nalang ako nabuhay! Kung sa tahanan nato ay palalayasin mo lang rin ako. Kung sa puso mo, ay di mo man lang mataggap na may anak sa labas pala kayo." Sabi ko at tuloyan ng umalis sa bahay nila.

Umalis na rin ako.

Pero bago pa man ako makaalis ng tuloyan, narinig ko ang boses niya.

"I'm sorry..." He murmured.

Napalingon ako at nakita ko siyang napaluhod pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Nanlabo ag mga mata ko.

At sa mabilis na pagtakbo ko ay hinarangan ako ng isang lalaking nakahoodie.

I was crying. But he suddenly hugged me.

It was warm and nice.

Book 1: Sore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon