Chapter 35: Confess

2.3K 28 0
                                    

After a week or two. Nakatanggap kami ni Markus ng wedding invitation. Ang sakit, sakit lang isipin na hindi man lang niya maisip na...

Shit.

Bobo ka ba, vea?

Sa tingin mo babalik pa sayo si eros kung pinapalabas mong buntis ka at kasal na kay markus? Ako pa tong may ganang gumaganto.

Nakakainis kasi.

"Uwi na tayo, get things done." Sabi ni markus sa akin sabay sarado ng laptop niya. Buong araw kami sa office niya. Wala nga akong naiintindihan sa mga ginagawa niya pero may silbi naman ata ako as a secretary. Taga bigay ng kape. Tsk.

"Pwede tayong kumain?" Sabi ko sa kanya.

"Okay." Di ko lang talaga maintindihin si markus. Minsan masungit. Minsan concern. Minsan nakakalurok ng dugo.

Nakalabas na kami sa building niyang di ko maimagine na kanya pala. Nakarating na kami sa parking lot at lumingon tapos tumingin sa akin.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Kahit ano." Sabi ko.

Pumasok na kami sa sasakyan at napahinto sa fastfood. Mabilis siyang nakaorder at kumakain na kami. Pagkatapos ng tahimik at mabilis na pag kain ay napatingin ulit siya sa akin.

"Ano plano mo?" Sabi niya bigla.

"Plano, sa alin?"

"Plano sa buhay mo. Ngayon." Sabi niya pa.

Napabuntong-hininga ako. Oo, nga no.

"Hihintayin ko nalang na mamamatay na ako." Sabi ko sa kanya dahilan para mapababa ang kilay niya.

"Yung totoo... I was just helping you to move on. Although we're lying right now. Ipapalabas lang natin na kaya mong wala sila." Sabi niya.

Yun nga ang plano.

"Yun na nga, mark. Pero unti-unti namang napalayo sa akin si eros." I said. Napakunot siya ng noo.

"Kung ganyan din naman ang iniisip mo, para saan pa ang lahat ng to? Diba magmomove on ka sa kanya. Dapat kang mag-isip kung paano mo sya kalimutan, villas." Medyo galit niyang sabi. Dito pa talaga namin to pag-usapan.

"Ano ba. Galit ka na niyan? Alam mo sa kotse  tayo mag-usap." Sabi ko sabay tayo ay naunang lumabas. Pumasok na kaming dalawa sa kotse.

Book 1: Sore (Completed)Where stories live. Discover now