Chapter 9: Fred

3.7K 41 0
                                    

Nagsimula nang magsilabasan ang ibang mga parents para pumunta na sa New Gym ng JCB University. Doon na ang real meeting talaga.

Ako na lang yung natira kaya dali-dali ko nang niligpit ang gamit ko. Paano ba naman kasi eh ginawa nila akong Secretary. Di ko naman kasalanan na maganda ang handwriting ko pero nakakatamad kaya.

Palabas na ako nang hindi pinansin ang nasa may pisara na nakatayo. Ayoko mang isipin pero para kasing hinihintay niya akong lumabas.

"Miss Villas." He said.

Nasa likod na siya sa akin.

I froze.

Napapikit ako.

Malamang ipapatunay niya pa sa akin na di talaga siya stalker.

Humarap ako at ngumiti ng napakaplastic, "Yes sir?"

He caught off guard with the 'sir.'

Napamulsa siya at tumingin sa mga mata ko.

"I'd like to talk to you." Sabi niya.

"We don't have to talk, Mr. Harrison. Sorry na lang kung napagkamalan kitang pervert stalker kanina pero-"

Napataas siyang kilay.

"Seriously? Pervert stalker?" He repeated. Nakakaloka.

"Sorry nga diba." Sabi ko.

Ngumiti ulit ako at akmang aalis na talaga pero napahinto rin nung nagsalita ulit siya.

"We have to talk about your brother, Fred Festin."

I just nodded saka ako pumasok sa room ulit.

-
"He's what?!"

"Hinaan mo boses mo, Ms. Villas." Sabi niya sa akin.

Shit.

Hind ako makapaniwala na ganun na kalala si Fred.

"Paano naman kasi na hindi ako magugulat sa ganitong- fcvk. Talaga?" Sabi ko sa di pa rin makapaniwala sa narinig ko.

"Yeah." Sabi niya.

"Kaya pala you'll never get the girl kasi nandun kay fred?" Sabi ko.

Napatakip na lang ako ng bibig ko ng sinamaan niya ako ng tingin.

"So, bakit mo to sinasabi sa akin?" Sabi ko.

"Your brother stole my girl in the first place. I'll have to ask for you permission to beat him up."

My lips parted.

"Asshole." I said while staring at him.

Napaayos siya nang pagtayo.
Kunot-noo. Ibang-iba sa kanina.

"Fred is my student."

"So? Gugulpihin mo? Kung sasagot ba ako ng hindi, ano gagawin mo?" Sabi ko na parang nagagalit na.

Ang kapal ng mukha niyang sabihin at humingi ng permisyo para lang gugulpihin ang kapatid ko.

"Then, I'll have to beat him still." Sabi niya pa.

"Dahan-dahan sa pananalita mo, Mr. Harrison." Sabi ko.

"Tandaan mo, Ms. Villas. Naninira nang relasyon ang kapatid mo." Sabi niya pa.

Hindi ko pa alam ang buong storya at ang taning sinabi lang sa akin ng ugag nato na nakikisawsaw daw sa relasyon nila si fred.

Hindi naman siguro ganun na pagkatao si fred. May prinsipyo siya. Mayroon siyang gusto sa buhay. Hindi ganto.

"Tandaan mo rin, Mr. Harrison. Sa oras na malalaman kong sinasaktan mo ang kapatid ko. Humanda ka sa akin." I said.

Sinong nagsabing mahihina ang mga babae?

Tsk.

"Actually, ang main reason kung bakit kailangan kitang makausap kasi related kayo ni Fred. Naisip ko na baka kaya mong pagsabihan siya na layuan ang girlfriend ko." Sabi niya. "Nakakaubos na kasi ng pasensya eh."

Galit na siya sa kalmadong paraan pero nanatili akong nakakunot pa din ang noo.

Kailangan ko ngayon na makausap si Fred.

"By the way, Bakit villas ka at Festin siya?" Sabi niya.

"I'm his half sister." Sabi ko na lang.

Nakikisawsaw rin naman siya kung makapatanong.

Napatahimik ako. And i think he got the idea na anak ako sa labas since Festin is a wellknown family pa naman when it comes to business.

Screw that Family's last name. Don't need it after my first name.

"So, is everything clear? That's a favor then, Villas." Sabi niya at nauna nang umalis sa room nato.

Napaupo ako sa mga upuan roon.

So i think di na ako makaattend roon sa real meeting since late na talaga ako dahil kay markus.

Sino kaya yung girl?

Bakit di ko man lang alam na may naging girlfriend pala tong si fred?

Kailangan ko na talagang makausap siya kasi naguguluhan na ako.

-

Paglabas ko sa building ay nakita ko kaagad si Fred na nakangiti sa akin.

"How was meeting?" Sabi niya

Di na ako nasalita pa at diretso lang akong pumasok da front seat.

"Let's go home." Sabi ko.

"No, let's eat first." Sabi niya nung nakapasok na din siya sa kotse.

"Sige." Sabi ko na lang at napahilot sa sintido ko.

Pagkarating namin sa restaurant, napaungol ang mga organisms sa tiyan ko.

"Tara, ate." Sabi ni fred saka binuksan ang pintuan ko.

"Fred..." Sabi ko.

Ngayon ko na ba sabihin sa kanya ang tungkol sa girl na yon?

Baka naman mgalit sa akin si fred kasi nakikisawsaw ako.

Pero paano kung bubugbugin siya jung markus na yun.

Pag-usapan na lang namin to next time. Para naman makaready siya kahit papano sa markus na yun. Di hamak na mas matangkad pa yun kesa kay fred na binata pa lang.

"Bakit ate?" Sabi niya sa akin. May pag-alala pa nga eh.

"Ah. Wala. Sige, tara na. Gutom na ako." Sabi ko.

Nauna nang pumasok sa restaurant si fred. Habang naglalakad ako ay napansin kong may familiar na mukha sa di kalayuan.

It was markus.

He was with a girl.

Di ko na lang pinansin at naglakad na naman ulit kasunod ni fred. Napatingin ako kay fred and he eas looking at them.

I heard a crack.

And that was Fred's heart, I assumed.

Book 1: Sore (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant