1

121 1 0
                                    

"Hulog, yan nalang itawag mo sa akin."

"Alam mo, kakaiba ka."

"Bakit naman? Pick up line ba yan?"

"Hindi ah.. Kakaiba ka kasi sa lahat ng babaeng nakilala ko."

"Sus! Mr. That's a very old pick up line. Cut it."

"Grabe naman. Hindi nga to pick up line. Lahat kasi ng nakilala kong babae, nag lalasing lasingan na para makachansing sa abs ko. Tapos ikaw.." tumigil siya at ngumisi sa akin. Mababasa ang pagkabilib sa titig niya sa akin.

"Ano ako?" walang gana kong tanong.

"Wala wala.." Umiiling niyang sabi, pero nakangiti pa din. "Basta kakaiba ka. Pati totoong pangalan mo ayaw mong ibigay. Samantalang yung iba, paulit ulit pa sinasabi sa akin para hindi ko makalimutan. Kakaiba ka nga talaga."

Hinayaan ko nalang siya at ininom ang alak sa harap ko.

"Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Uyyy... Interesado siya. Nagkakacrush ka na ba sa akin?"

"Ok lang kahit hindi mo sabihin. Wala naman akong pake. Ok na ako sa Mr ang tawag ko sayo."

"Indenial queen ka pala. By the way, Catch nga pala Hulog."

Inabot niya ang kamay niya sa akin para makipagshakeshand. Tinanggap ko naman ito. "Catch?"

"Insaaaaan!!" Nagising ako sa lakas ng bunganga ng pinsan kong si Kai.

"Alam mo ba kung sino ang susunod na kliyente natin? Haaaayy! Hindi ka maniniwala. Si Patrick. Yung crush ko nung college. Ganito kasi..."

Hindi ko na naintindihan ang kwento ni Kai. Wala naman akong pakealam sa Patrick na yun. Nabalik ang isip ko sa panaginip ko kanina. 5 buwan na ang nakalipas. Bakit napaginipan ko nanaman siya?

Catch. Ikaw ang sumira sa pangarap ko. Ngayon, hindi ko alam kung ano pa ang maipagmamalaki ko sa asawa ko. Sana hindi na kita makita ulit. Dahil hindi ko alam ang magagawa ko sayo.

"Insan?" Bumalik lang ako sa reyalidad ng tapikin ako sa balikat ni Kai.

"Huh?" Nagtataka kong tanong. Dahil nginuso niya ang kamay ko.

"Nilukot mo na. Ok ka lang ba? Ako na bahalang magprint ulit."

Dahil sa galit ko kay Catch. Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala ang hawal kong picture ng costumer namin. "Sorry."

"Ano ka ba insan. Ok lang. Ano ba iniisip mo?"

"Si Catch."

Yun lang ang nasabi ko.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now