3

97 1 0
                                    

1 hour before the party ay dumating na kami ni Kai sa resort para mag ayos ng gamit at kuhanan ng litrato ang venue habang walang pa ang mga bisita.

Pag pasok palang, kita na ang malaking litrato ng celebrant na si Patrick. Nakatopless ito at pantalon lang. Nakashades na lalong mas nagpagwapo sa kanya.

Sa loob naman ay makikita ang napakagandang ayos ng stage at mga lamesa. Black and gold kulay ng buong paligid. Kahit sa 3 malaking pool ay may mga maliliit na kulay black and gold na baloon na nakalutang lang sa tubig.

Busy kami ni Kai sa pagkuha ng buong lugar ng mahagip ng mata ko  ang lalaking umiinom na hindi pa man din nagsisimula ang party.

Andun siya sa isang kubo na medyo malayo sa pool, kung saan ako kumukuha ng litrato.

Zinoom ko ang camera ko at tinapat kung asan yung lalaki. Malayo ang tingin niya habang tinungga ulit ang boteng hawak niya. Naisipan ko siyang kuhanan ng litrato.  Pero saktong pagclick ng camera ko ay lumingon siya sa akin. Kaya buong mukha niya ang nakuhanan ko.

Nakita kong nagkunot ang nuo niya kaya tumalikod na ako.

Nagalit ata.. Sabi ko sa sarili ko.

Nagsimula ng magsidatingan ang mga bisita at kapwa ko photographers.  May mga artista at kilalang modelo ang dumating. Hihinto sila sa entrance at nag pose para kuhanan ang mga kasuotan nila.

Busing-busy ako sa pag kuha ng mga artista at modelong nag popose pero hindi ko makita ang pinsan ko kahit saan.

Nang nasa loob na lahat ng bisita at nakaupo na sa kani-kanilang mga nakaassign na upuan ay hinanap ko muna ang pinsan kong kerengkeng.

Mga 30 mins pa bago lumabas ang celebrant at magsimula ang party. Kaya may oras pa akong magpahinga. Umupo ako sa isang garden na malayo sa party. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Kai.

Nakailang ulit ako ng tawag bago niya sinagot. "Asan ka? Hindi kita makita sa venue."

"Insan Tummy andito kasi ako sa suite ni Patrick." pabulong niyang sabi.

"Ano?!" Napatayo ako mula sa pagkaupo ng marinig yun. Ganon na ba kadesperada ang pinsan ko para akitin niya yung Patrick na yun.

"Wait wait wait. Bago ka mahighblood jan. Andito ako para sa trabaho, tutal ikaw naman ang kumukuha jan sa venue, naisipan kong si Patrick naman ang kuhanan ko bago mag start ang party. Kaya eto ako ngayon, kala ko masosolo ko siya kaya lang kasma niya pala angkan niya. Kaya family picture ang nangyari."

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Okay sige. Basta huwag kang gagawa ng kahit anong kalokohan ha? Trabaho pa din ang pinunta natin dito."

"Oo insan, I know. Kaya wag ka ng mabahala jan.."

"Okay sige. Message o tawagan mo ako pag pababa na sila ha? Andito lang ako sa garden."

Sumang ayon lang siya at nag paalam na. Habang nagpapahing tinignan ko ang mga litratong nakuhanan ko. Inisa isa ko yun hanggang matigil ako sa litrato nung lalaki kanina.

Zinoom ko pa ito para makita lalo ang muka niya. Bakit ganon, parang ang lungkot naman ng lalaking to. "Pero infairness ang gwapo mo kahit mukang problemado ka." sabi ko sa sarili. Pero nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

"Thanks." Yan ang sabi niya. Napatayo ako hinarap siya. Matangkad siya kaya napatingala pa ako para makita ang muka niya.

"Uhm.. Ah.. Hehe" Nagkamot ako ng ulo at hindi malaman ang sasabihin. Nakakahiya. Nakita niya akong tinititigan ang litrato niya.

"Mauna na ako, baka magsisimila na ang party."Akmang aalis na ako ng bigla niya akong tawagin kaya humarap ako.

Saktong pag harap ko ay flash ng camera ng cellphone niya ang bumungad sa akin. Medyo nasilaw pa ako dahil ang lapit ng pagkakuha.

"I'm sorry. Madilim kasi so I need to on the flash." Paliwanag niya.

"Para saan naman yun?!" Medyo iritable kong tanong. Hanggang ngayon kasi may nakikita pa akong malilit na ilaw pag kumukurap kurap ako.

"You have my stolen picture. I have yours now. So we're even." Seryosk niyang sabi. Naglakad na siya paalis. Pero tumigil siya at humarap ulit sa akin. "See you around. Miss beautiful." Sabay ngiti ng bahagya sa akin.

Shit! Ang gwapo! Nakatayo lang ako dun habang tinitignan siyang palayo.  Kinikilig pa ako ng biglang nagring ang cellphone ko.

Wala sa sarili kong sinagot ang tawag. "Hello...." medyo pabebe ang dating ng boses ko.

"Tammy? Ikaw ba to? Bakit ganyan ang boses mo? By the way pababa na sila Patrick kaya dun nalang tayo magkita sa venue ha? Bye."

Natauhan naman ako at dali daling bumalik sa venue.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now