36

7 1 0
                                    

Maaga din ako nagising kinabukasan. Isang oras kami magkayakap ni Eli sa veranda, pagkatapos nun ay binuhat din niya ako pabalik sa kama. Naguguilty ako pero wala din ako magawa. Dahil ginusto ko to.

Selfish ako..

Pero masaya ako... Masaya din si Eli..

Mahimbing pa din ang tulog ni Savvy sa tabi ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Ang gwapo niya kahit tulog.. Maamo ang mukha, hindi mababakas ang pagiging suplado at masungit niya pag gising.

Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa baba. Dinala ko ang camera ko, balak kong kuhanan ang ganda ng isla sa umaga.

"Good morning girl!" bati sa akin ng isang bakla habang kumukuha ako ng litrato.

"Good morning." balik kong sagot sa kanya. Kasma niya ang ibang bakla at modelo na maasim ang tingin sa akin.

"Kumain ka na?" tanong niya. Mukang mabait naman siya, hindi katulad ng mga kasama niya na halatang hindi ako gusto.

"Uhm.. Hindi pa. Hintayin ko nalang magising si Savvy."

Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. "Oohh.. Pinagod mo siguro kagabi."

"Hahaha Hindi. Nag inom sila ni Eli." natatawa kong sagot.

"Naku, nalasing pala si Fafa Savvy. Mamaya pa gising nun. Halika sumama ka muna sa amin. Lafang tayey!"

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papuntang restaurant. Nakasunod lang sa amin ang ibang kasama niya. Nag aalinlangan man ako dahil sa mga bwisit niyang kasama pero pinagbigyan ko na dahil muka naman siyang mabait talaga. Mas maganda ng may kasundo ako kahit papaano, kesa loner ako lagi pag nagshooshooting na sila..

Hindi naman ako nainip dahil panay patawa sila ng bakla niyang kasama. Kinakausap din niya ako pero panay tungkol kay Savvy. Kagaya ng...

"Huy girl, malaki ba?"
"Mahaba?"
"Masarap ba?"
"Anong feeling?"

Pag hindi ko siya sinasagot ay dinudugtungan niya ang mga tanong niya.. Kagaya ng..

"Malaki ba..... Ang paa ni Savvy?"
"Mahaba ba.... Ang daliri niya?"
"Masarap ba... Magluto si Fafa Savvy?"

Tawa lang ang naisasagot ko sa kanya.

"Vaklang toh! Ayaw magshare!"

"Hulaan mo nalang. Secret yun, walang clue."

"Hay kainis, pero sige na nga, aalamin ko nalang."

Hindi ako nainip dahil sa kanya. Pinakilala pa niya ang sarili niya na siya daw si Pia Wurtzbach sa gabi. Pero sa maga ay Pio daw pangalan niya. Short for Piolo na talagang real name niya.

Inis na inis nga siya dahil lagi daw siyang hinaharot na kamuka niya si Piolo Pascual, pero ang totoo daw ay pinapantasya niya yun.

Ang kulit niya at ang sarap kasama. Namimiss ko tuloy si Insan Kai sa kanya. Panigurado magkakasundo silang dala-...

"Insaaaaan!!!!!"

Nagulat ako bigla ng may yumakap sa akin. At mas nagulat ako ng makilalang si Kailene yon.

"Anong ginagawa mo dito??? Paano yung studio?"

"Eto naman.. Okay na lahat. Hayaan mo na muna yung dalawang alagad natin dun, kaya na nila yun. Nabilin ko na lahat. Natapos ko na din yung ibang kliyente natin. At okay na lahat ng sched for next week. Namove ko na po."

Windang pa din ako dahil alam kong madaming gagawin sa studio.

"Ooopppss.. Bawal na ako pauwiin. Malayo byahe. Saka wag ka na mag alala, okay na lahat. Hindi ko naman iiwan yung studio ng hindi ayos lahat. Ako pa ba?!"

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now