7

101 1 0
                                    

[AN: si Savvy yung nasa taas na pic]

Hindi ko alam kung paanong nauwi sa Q and A ang panunuod namin ng movie.

"What's your favorite animal?" pang pitong tanong na ata niya. Tinanong na niya ako kung anong favorite kong pagkain, color, etc etc. Pag siya tinatanong ko. Hindi naman niya pinapansin. Pag sagot ko, may kasunod nanaman siyang tanong.

"Balbong aso na malalaki or maliit."

"How about your favori..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko na siya.

"Hep hep hep! Tama na muna sa mga favorite favorite na yan. Naguguluhan na ako. Ano bang meron at tinatanong mo sa akin lahat yan?"

Nagulat ata siya dahil natahimik siya saglit. Napataas kasi ang boses ko.

"Are you mad?" nag aalangang tanong niya.

"Hindi. Kaya lang.... Nagtataka lang kasi ako bakit bigla kang dumaldal at yan pa naisipan mong mga tanungin."

"Because I want to know you more." seryosong nakatitig ang malulungkot niyang mata sa akin.

Hindi pa ako nakakamove on sa unang sinabi niya, may kasunod nanaman.. "I like you Tammy."

Pakshet naman oh! Kinikilig ako. My gassss!!!

"Wa... What? Why? When? Where????" imbes na sumagot ay tinawanan niya lang ako.

Nung tumigil siya ay tinignan niya ako ng seryoso. "Do I have a chance?"

"Ha? Ah.. Eh.." hindi ako makaisip ng tamang sagot.

"Don't you like me?" nakatingin ako sa mukha niya. Sa mga malulungkot niyang mata.

"Ang bilis. Wait!" sabay tayo ko at punta sa kusina.

Uminom ako ng isang basong tubig at sumandal sa ref. Pero nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko.

"Tinatanong lang naman kita kung gusto mo din ba ako. Hindi naman kita niyayang magpakasal." natatawa niyang sabi.

"Sorry kung mabilis. Hindi ko kasi naranasang mangligaw kaya hindi ko alam gagawin."

Ako naman ang natawa sa sinabi niya. "Ibig sabihin. Hindi ka pa nangliligaw?"

Ngumuso lang siya at umiling.
Waahh ang cute...

"At  yung pag Q and A natin kanina eh part ng pangliligaw mo?"

Ngumisi siya at tumango.
Shemay! Ang gwapo.

"So, manligaw ka muna ng maayos. Saka ko sasagutin yung tanong mo. Okay?" nakangiti kong sabi sa kaniya.

Kaloka.. Paano kaya mang liligaw ang lalakeng hindi marunong mangligaw? Hanu daw??

"Okay." sabi lang niya at bumalik na sa sala.

Nag pakalma muna ako ng puso bago sumunod.

Nakikita ko siyang nagliligpit ng mga pinagkainan at pinag inuman namin. Hinayaan ko nalang siya at tumulong nalang ako. Binalik ko sa ref ang ibang alak na hindi namin nabuksan. Siya naman, tinapon niya sa basurahan ang ibang kalat.

Nung natapos na kami nag paalam siyang uuwi na.

Hinatid ko siya hanggang sa sasakyan niya.

"See you." sabi niya at akmang hahalikan ako sa pisngi.

Hinarang ko naman ang kamay ko kaya palad ko ang nahalikan niya.

"Manliligaw ka palang di ba? Kamay muna ha.."

Ngumisi naman siya at kinuha ulit ang kamay ko. Hinalikan niya ulit ito.

"Pasok ka na. Goodnight Tammy."

"Goodnight Savvy. Ingat ka."

Pumasok na ako sa loob. Hindi ko na siya hinintay makaalis.

Hindi ko na kasi alam kung paano itatago yung kilig na nararamdaman ko. Nagtakip ako ng unan at nagtititili ng mahina.

"Shemay! May gusto nga siya sa akin!! Ahhhh...!!!" impit na tili ko ulit.

Tapos nagulat ako ng may nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Lande! Mananakawan tayo dahil sayo! Hinalikan lang sa kamay, hinayaan ng nakabukas ang gate at pinto ng bahay. Tapos itong pinto ng kwarto mo nakasara? Kaloka ka."

Nakapamewang pa ang insan kong buset habang pinapagalitan ako.

"Teka, paano mo nakitang hinalikan ang kamay ko? At saktong pag alis niya andito ka na?? Agad agad?" pinanliitan ko siya ng mata.

"Anjan lang ako sa kapitbahay noh. Kila Mela.. Nakasilip kami habang nag lalandian kayo sa labas ng bahay."

"Hoy! Anong naglalandian ha! Kita mo nga hahalikan ako sa pisngi hinarang ko ng kamay di ba?! At teka nga! Ikaw kanina ka pa eh! Umalis ka ng bahay at iniwan kaming nanunuod ng fifty shades of grey! Ano ba ang gusto mo, i-christian grey niya ako?!"

Imbes na magsorry ay ngumisi lang siya sa akin ng nakakaloko. "Uy ikaw nagsabi niyan. Ikaw din nakaisip niyan. Hindi ako.. Bakit insan? Gusto mo bang i-christian grey ka ni Fafa Savvy?"

Namula naman ako sa sinabi niya. At naisip ang scene na yun sa movie. Kaya nagtakip ako ng unan sa muka. Para hindi niya makita ang nangangamatis kong muka.

Tumatawang lumabas si insan sa kwarto ko.

Naiwan naman akong nakatulala sa kama. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Catch. Umiling iling ako.

"Hindi. Dapat mag move on na ako." kausap ko sa sarili ko.

Kaya kinuha ko ang camera ko. Tinignan ko ang picture ni Savvy na kuha ko sa kaniya kagabi. Kinopya ko ang picture niya sa cellphone ko.

Nakahiga ako habang tinitignan ang picture ni Savvy sa cellphone ko.

Ang gwapo talaga. Ikaw na kaya ang pinadala ni Kupido sa akin? Tanong ko sa isip ko.  Nang biglang nagring ang cellphone.

Dahil sa gulat ko, bumagsak sa mukha ko ang cellphone. Napabangon ako sa inis.

"Aray ang ilong ko. Sino ba naman kasi tong istorbo?!" pagkuha ko sa cellphone ko ay pangalan ni Savvy ang nag appear.

Dali dali ko itong kinuha at sinagot. "Hello?"

"I'm home. Eat your dinner. I'll call you later."

"Okay." ganon lang ang pag uusap namin. Ano ba yan. Kahit sa tawag ang tipid magsalita.

Napahawak naman ako sa dibdib ng may magsalita. "Ang pabebe te.. Baba ka na, nagpadeliver na ng dinner natin si pogi. Bayad na din. Kakain ka nalang. Lika na."

Pagbaba ko, parang fiesta nanaman sa dami ng inorder niya. Tinawagan ni Kai si Mela, (yung kapitbahay namin pinagtambayan niya kanina) dahil hindi naman namin mauubos tong inorder ni Savvy.

Tinext ko si Savvy.

To: Savvy
Thanks sa dinner. Pero sa susunod huwag madami ha. Dalawa lang naman kami ni Kai. Kain ka na din.

Pag katext ko. Nag angat ako ng muka. Nagtaka naman akong nakatingin si Kai at Mela sa akin.

"Grabe ngiti ah, text palang yan." sabi ni Kai kay Mela.

"Korak te. Paano pa kaya pag iba na.." sagot naman ni Mela at nag apir pa ang dalawa.

Napatingin ako sa salamin at nakita ko na grabe nga ang ngiti ko.

"Masaya lang ako mga bruha. Kain na nga lang tayo."

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now