30

23 1 0
                                    

"Anong pinag uusapan nyo ni Eli?"

Tanong agad ni Savvy ng makalapit siya sa akin sabay hapit ng bewang ko papalapit sa katawan niya.

"Wala naman. Inaaya niya lang akong kumain na. Sabi ko hihintayin na kita." kinawit ko naman ang dalawang kamay ko sa leeg niya.

"Sorry Mi, may customer kasing nagrereklamo sa resort. Siya yung kausap ko." sabi niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang yumuko.
"Is our baby hungry?"

"Baby?" gulat na tanong ko.

Inangat niya ang ulo niya na nasa gawing tiyan ko at tumingin sa akin.

"Yes, our baby. We did'nt use any protection last time we made love. So there is a possibility that you are pregnant."

Tama siya may posibilidad na buntis nga ako. Hindi ko alam pero bigla naman akong natuwa sa ideya na baka nga buntis ako.

"Gusto mo na ba magkababy Mi?" mapanukso nanamang lumapit si Savvy sa akin at hinalikan ako sa leeg kaya lang panira ang tiyan ko dahil bigla itong tumunog.

Natatawa siyang tinigil ang paghalik sa akin. "Okay okay, let's eat."

****

"Dy, balik ka agad please.."

Pasakay na si Savvy ng sasakyan pero hinila ko ulit siya at niyakap.

Ginulo naman niya ang buhok ko at inangat ang ulo ko para halikan sa labi.

Hindi ako nahihiyang tumugon sa halik niya kahit alam kong nakikita kami nila insan.

Nang natapos ang halikan namin ay mangilidngilid ang luha kong tumingin sa kanya. Oa na kung Oa pero nalulungkot talaga ako na aalis siya, pinagtapat kasi niya sa akin na baka ilang araw pa bago siya makabalik.

Hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan akong mabuti.

"Don't be a cry baby okay? I'll comeback as soon as I finish everything. Just enjoy your stay here. Ayokong magmumukmok ka habang wala ako." tumingin siya kay Kai pagkatapos niya sabihin yun.

"Don't worry fafa Savvy, aaliwin ko si insan pag nalulungkot siya. Sasayawan ko lang siya matutuwa na yan."

Natawa naman kami ng tanungin siya ni Mela ng "taga saan ka challenge" at sumayaw si insan.

"Yan, gusto ko nakangiti ka lang. Send me lots of pictures okay? Just enjoy your vacation. I love you."

"I love you too Dy.."

Hinalikan niya ako sa nuo at tumingin ng seryoso kay Eli. "Bro, ikaw na ang bahala. Please take care of my wife. Don't let her get hungry and always make her happy."

"Don't worry bro. I will. Take care."

Sumakay na si Savvy sa sasakyan. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalayo na to.

"Tara na insan sa loob. Kain na tayo."

Kahit nalulungkot ako sa pag alis ni Savvy ay magana pa din akong kumain. Ang sasarap naman kasi ng luto ni Eli.

Nagluto siya ng tatlong putaheng ulam na paborito ko. Adobo, calamares at sisig.

Hindi pa rin siya nagbabago ang sarap pa rin niyang magluto. Kahit sila Mela at Kai ay madami ding nakain.

Tuwing nagtatangka siyang lumapit sa akin ay lumalayo ako. Alam kong gusto niya akong makausap ngayong wala si Savvy. Pero pwede bang magpractice muna ng sasabihin? Hindi pa kasi talaga ako handa. At itong traydor kong puso ay grabe mag wala pag nagtatangka siyang lumapit.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now