2

112 0 0
                                    

"Oh." Nasabi nalang ng pinsan ko.

Alam niya kung ano ang nangyari.. 5 months ago I'd lost my virginity. 5 months ago may isang taong pinag bigyan ko ng lahat at that someone also broke my heart.

"Insan, wala na tayong magagawa kundi mag move on. 5 buwan na ang nakakalipas oh.. Bigyan mo naman ng chance ang sarili mo maghanap ng ibang mamahalin. Hindi yung may magpapakilala lang sayo, susungitan mo na. Hindi lahat ng lalaki katulad ng hinayupak na Catch na yun. Kaya insan please lang. Move on.." medyo iritableng sabi ng insan ko sa akin.

I know she's right. But what can I do, the past still haunts me. And I still love him.

Binigyan ko nalang siya ng isang ngiti at tumango.

"Dahil down na down ka nanaman. Isara natin ang shop ng maaga at maghanda para sa party mamaya!" Excited niyang sabi.

Napakunot naman ang nuo ko. "Anong party?" Pagkakatanda ko kasi, wala naman kaming lakad mamaya.

"Eto na nga yung sinasabi ko kanina. Yung Patrick na crush ko dati, may gaganaping party sa isang resort. Sikat na model na pala yung damuhong yun. So alam mo na sikat, need ng mga paparazzi na kukuha ng mga pictures sa party niya." Mahaba niyang paliwanag.

"So, paanong naging last minute e naging kliyente natin siya?" Nagtataka kong tanong. Kung mamaya na ang party, malamang matagal ng may mga nahanap yun na photographers para sa party niya.

"E kasi tumawag si Lani isa dapat siya sa mga photographer sa party kaya lang bigla siyang nilagnat. At dahil close kami, sa atin nalang niya ipinasa yung dapat trabaho niya. Hindi pa nga ako naniwala na si Patrick na crush ko ang tinutukoy niya eh. Kaya ayan nag pasend pa ako ng picture para masiguradong si Patrick my loves nga talaga yun."

Pinakita niya ang picture na ngayon ay lukot na dahil sa akin."Kung sikat siya, bakit hindi natin siya nakikita sa nga billboards o magazine?"

"Eh kasi sa ibang bansa siya unang sumikat. Kakauwi niya lang ng pinas mga 2months ago ata kaya ngayon lang siya nakikilala dito."

"Okay." Tamad kong sagot. Talagang sinearch lahat yan ah.. Si insan talaga.

"So ano insan? Magsara na tayo ng studio?" Excited niyang tanong. Nginitian ko lang siya at nagsimula ng magligpit ng mga gamit ko.

Isa ako photographer, hindi naman sikat pero may napatunayan naman na ako kahit papaano. Kasama ko si Kai nagtaguyod nitong studio. Hilig ko talaga ang pagkuha ng litrato. Kaya naman ito ang naisip kong kurso at gawing negosyo.

Wala na akong tatay. Namatay siya sa aksidente. 5 years ang nakalipas ng mamatay ang tatay lumubog ng tuluyan ang restaurant na tinaguyod ng aking mga magulang. Kaya napilitan ang nanay kong mag ibang bansa para hindi ako mahinto sa pag aaral. Hanggang sa makahanap siya ng bago niyang lovelife sa italy. Hindi na ako tutol, dahil kita ko naman sa masaya ang nanay ko. Yun naman ang mahalaga.

Paminsan minsan dinadalaw ko siya sa Italy. Gusto niyang doon na din ako manirahan. Pero hindi ako pumayag. Mas gusto ko dito sa Pinas. Mas masaya ako dito.

***

Nag ayos na kami para sa party. Kailangan din syempre bumagay ang suot namin para hindi naman kami mukang ewan.

Sexy black night ang theme ng party. Kaya pinaala sa akin na Kai na wag masyadong balot ang susuutin ko. Dahil pati photographers daw kailangan sumunod sa theme ng party. Nagsuot lang ako ng isang simpleng longsleeve na damit na kita ang aking cleavage at itim na palda na tinernuhan ko ng boots.

[AN: nasa unahan po yung pic ng damit ni Tummy]

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko naman na seksing seksi ang pinsan ko sa tube dress niyang suot.

"Let's go?" Tanong ko sa insang kong handang handa na pumarty at hindi para magtrabaho.

"Awra!" Sigaw niya at nauna ng lumabas ng bahay. Natawa nalang ako.

Ngayong gabi, magpapakasaya ako. At kakalimutan muna ang lalaking yun.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now