27

34 1 0
                                    

Pinagmasdan ko mabuti ang itsura niya. Namayat siya at halata ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata dulot siguro ng pagpupuyat. Pero kahit ganon, hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan at kakisigan niya.

Hindi nagsalita si Catch ng makita ako. Kitang kita ang gulat sa kanyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin, maya maya'y hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tipong parang sinusuri niya ang bawat parte ng katawan ko

Inakbayan ako ni Savvy kaya napatingin ako sa kanya. "Stop staring bro. I know she's pretty. Pero kahit bestfriend kita bawal mo siya titigan ng ganyan." seryosong sabi ni Savvy.

Napatingin ulit ako kay Catch, mukang natauhan naman siya at nakabawi na sa pagkagulat. "May kamukha kasi siya."

"Who?" tamad na tanong ni Savvy.

Shit! Ito na ba? Aaminin na ba niya kay Savvy ang tungkol sa amin. Mukhang hindi pa ako ready. Napatingin ako kay insan para humingi ng tulong. Pero kahit siya halatang hindi alam ang gagawin.

"Wala yun, siguro isa sa mga artista or model sa agency mo." sagot naman ni Eli, sabay tingin ulit sa akin. Nakatingin siya sa mga mata ko, na parang kinakausap ako ng mga to.

Bigla naman akong hinila ni Savvy papalapit sa dibdib niya gamit ang nakaakbay niyang kamay sa akin. Kaya napasubsob ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib. "Bro, I said stop staring." ngayon medyo halata na ang iritasyon sa boses ni Savvy.

Tumawa ng mahina si Eli. "Sorry bro, I can't help it. Kakaiba kasi talaga ang ganda niya." napangiti naman ako ng palihim sa papuri niya sa akin, pero dahil nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Savvy ay walang nakakita ng pagngiti ko. Narinig ko namang napa tsk nalang si Savvy at hindi nalang sumagot.

"Tara na nga sa loob. Mag order nalang tayo ng pagkain, hindi ko naman kasi alam na darating kayo. Kaya hindi ako nakapaghanda."

"Because you didn't answer my calls." tamad na sabi ni Savvy at nauna nang maglakad kasama ako dahil nakaakbay pa din siya sa akin hanggang ngayon. Para akong isang bagay na may aagaw kaya grabe ang higpit ng pagkaakbay niya sa akin.

Habang naglalakd ay napasulyap ako kay Eli. Nakatingin din siya sa akin. Halo halong emosyon ang makikita sa kanya. Pangungulila, lungkot, at panghihinayang.

Nung hindi ko pa din inaalis ang tingin sa kanya, bigla namang nagbago ang expression niya, bigla siyang ngumiti ng nakakaloko at kumindat sa akin.

Napangiti naman ako at tumingin na sa lalakaran ko. Gawain kasi niya dati sa akin yun pag nahuhuli niyang nakatingin ako sa kanya. Sasabihin niyang gwapong gwapo nanaman ako sa kanya, kaya ngingiti siya ng nakakaloko at kikindat sa akin.

Bigla naman akong nalungkot sa naalala ko. Tumingin ako kay Savvy na seryoso pa din ang mukha. Talagang hindi niya nagustuhan ang paninitig sa akin ni Eli.

Striktong boyfriend si Savvy. Ayaw niya ng may tumitingin sa aking iba, kaya madalas gusto niyang simple lang ang suotin ko. Ayaw niya ng seksing damit na nakakatawag pansin sa iba. Ganun siya ka possessive. Wala namang problema sa akin yun kaya sinusunod ko nalang ang gusto niya. Pero minsan pag galit na ako ay wala siyang nagagawa kundi hayaan nalang akong soutin ang gusto ko.

Inakap ko ang kamay ko sa bewang niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. "I love you." sabi niya at binalik na ulit ang tingin sa harapan.

Alam kong mahal ako ni Savvy at mahal ko rin siya. Dapat hindi na ako malito sa nararamdaman ko.

Pagpasok namin ng bahay ay ganon pa din ang ayos ng mga kagamitan. Walang pinagbago. Bumalik tuloy lahat ng alaala ko sa bahay na yun. Napatingin ako sa sofa kung saan kami unang nagtabing matulog ni Eli.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now