17

70 1 0
                                    

"Hellooo! Mister? Naririnig mo ba ako?" paulit ulit kong sigaw. Buti maliwanag ang buwan kaya nakikita ko pa din ang paligid.

Kinakabahan na ako. Bakit ba hindi muna ako humingi ng tulong sa ibang tao. Sa sobrang pagmamadali ko kasi makarating dito, Nalawa na yun sa isip ko kanina.

Sigaw lang ako ng sigaw. Nang may mapansin akong nakalutang sa di kalayuan. Nagmdali akong lumapit dito. Habang papalapit ay nagdadasal ako.

"Diyos ko, sana buhay pa tong lalakeng to." dasal ko.

Hanggang dibdib ko na ang tubig kaya kinailangan ko ng lumangoy. Nung makalapit na ako ay kinawit ko ang kamay ko sa bewang niya para mahila ko siya sa mababaw.

Pero nagulat ako ng bigla g hawakan ang  kamay ko. "What the!" gulat niyang sabi.

"Who the heck are you?! What are you doing?! Hey!" hindi ko siya pinansin at patuloy pa din sa paghatak sa kanya papunta sa ibabaw.

Pero dahil malakas siya wala akong nagawa ng pigilan niya ako at iharap sa kanya. Kaya naman sinabi ko ang mga kailangan kong sabihin, baka sakaling magbago ang isip niya. "Look mister who ever you are. Masarap pang mabuhay, kung ano man yang problema mo paniguradong malalagpasan mo din yan. Kung kailangan mo ng kausap. Andito ako papakinggan kita. Pero pakiusap lang wag ka magpapakamatay." nakatingin lang siya sa akin at mukhang naguguluhan sa sinabi ko.

Tamara Fall AyalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon