33

13 1 0
                                    

"Okay pose lang. Eye contact guys.  Kate, tingin ka kay John. Hold that pose...... Perfect!"

"Insan Tammy, break muna andito na yung foods." napalingon ako kay Kailene at sa pagkain na tinuturo niya. Biglang kumalam ang sikmura ko.

"Narinig ko yun. Hindi ka pa kasi nag aalmusal eh." sabi ni Kai sa gilid ko.

"Okay guys. Break muna." sabi ko sa dalawang modelong  nasa harap ko.

Isang linggo na kaming nakauwi. May mga ilang kliyente ang naghahanap sa akin. Dahil baguhan palang ang mga tauhan ko sa studio ay hindi pa nila kaya ang trabaho sa labas. Katulad nitong project naming ngayon. Hanggang magpicture lang ng mga dumadating na customer sa studio at mga simpleng birthday party o debut lang ang tinatanggap nilang offer. Madami din naman naging customer nung wala ako. Dahil magaling sa editting at pagbibigay ng mga pose yung dalawang tauhan ko sa studio.

Ngayon andito kami sa park, balik trabaho. Mas gusto ko to, kesa laging nag iisip tungkol kay Eli at Amanda.

Pagkarating kasi nila Savvy ng Bora ay dalawang araw nalang ang tinagal namin saka kami nagpasyang umuwi na. Masaya din si Savvy sa binalita ni Eli na tatanggapin na niya ang project at sa balitang nagkabalikan na sila ni Amanda o Amy.

Buong akala talaga ni Savvy na tama ang desisyon niyang dalhin si Amy sa Bora dahil sa wakas ay nakamove on na si Eli kay Hulog.

Tinupad ni Amy ang pinangako niyang ilihim kay Savvy ang totoo kapalit ay pagpayag ni Eli na maging boyfriend nito habang andito siya sa Pilipinas.

Naalala ko nanaman ang pagpalupot ng mga braso ng malanding si Amanda kay Eli, ang mga halik niya dito, ang pagkandong niya, ang...

"Hoy Tammy! Maawa ka nga sa bote!" bigla naman akong nabalik sa wisyo ng tapikin ako ni insan at napatingin din sa boteng hawak ko. Dito ko pala nabaling ang bwisit ko kay Amanda.

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Di ba bukas na ang simula ng shooting nila Eli. May schedule ba tayo sa client bukas?"

Kinuha ni insan ang cellphone niya at tinignan ang planner. Nalungkot ako ng sinabi niyang may birthday party kaming kukuhanan bukas at sa medyo malayong lugar yun. Kaya paniguradong buong araw ang gugugulin namin para dun bukas.

"Bakit mo naitanong? Gusto mo bang manuod ng shoot nila Eli at Amy bukas?" nanunuyang tanong ni insan.

Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Narinig ko ang buntong-hininga ni insan.

"Tammy, ayokong makealam ha. Pero mangengealam na din ako." paninimula ni insan at seryosong tumingin sa akin.

"Akala ko ba si Savvy na ang pinipili mo. Eh bakit parang apektado ka pa din kay Eli at Amy? Alam mo namang palabas lang lahat ng pagpapanggap nila bilang magjowa di ba? Asa Bora palang tayo napapansin na kitang laging nakatingin sa dalawa. Buti nga at hindi yun napapansin ni Fafa Savvy. At buti lagi kang nilalayo ni Savvy sa amin para makapag solo kayong dalawa sa pamamasyal sa Bora. E bakit sa nakikita ko sayo eh, parang nagseselos ka kay Amy? Di ba dapat wala ka ng pakealam dahil si Savvy na ang pinili mo at tinapos mo na ang kung anong meron sa inyo ni Eli?" mahabang sabi ni insan na parang nanay na nagsesermon sa anak niya.

"Insan kasi... kasi ano..." kasi nasasaktan ako pag nakikita ko silang magkasama. Parang gusto ko ilayo si Eli kay Amanda. Kasi mahal ko pa si Eli at gusto ko akin lang siya. Yan ang gusto kong sabihin kay insan pero hindi ko magawang magsalita dahil alam kong mali. Sobrang makasarili, pero anong magagawa ko kung pwede lang turuan tong lintik na puso na to na isa lang ang dapat mahalin, matagal ko na sanang ginawa. Yumuko nalang ako at hindi sumagot.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now