38

9 1 0
                                    

"Aray!" napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit. Hindi ako madaling malasing, pero sobra sobra ang nainom ko kagabi kaya ang sakit ng ulo ko ngayon.

Tumingin ako sa katabi kong ang lakas pa rin ng hilik. Eto, eto ang lasing na lasing kagabi.

"Hoy insan! Gumising ka na jan!" hampas ko sa kanya ng malakas pero dinedma lang ako.

Iniwan ko nalang siya at pumunta ng banyo para sa ritwal ko sa maga. Pero nagulat ako ng makitang alas dos na pala ng tanghali.

Anong oras na ba kami natapos uminom kagabi?

Napapakamot nalang ako sa ulo at tuloy naligo na.

Naisip ko si Eli, pagkaraan ng isang oras ay bumalik siya sa bar kasama si Amy.

Nag usap kami ng palihim at sinabing ienjoy nalang namin ang huling gabi namin dito sa isla..

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Yap! Okay na ako medyo nainggit lang kay Savvy.." sagot niya.

Ang pagsayaw ko siguro kay Savvy ang tinutukoy niya.

"Ako din naman." mahina kong sabi.

"Aalis na si Amy.. Babalik na siya sa isang araw. Kaya wag ka na malungkot okay? Sayong sayo lang ako."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. At tumango.

"Tara na balik na tayo. Baka makahalat sila..."

Napaka selfish mo Tammy.. Pero masaya ako.. Masaya ako na wala ng manggugulo sa amin ni Eli..

*******

"Ayoko ng uminom.... Waaah nakakahiyaaa!"

"Talagang nakakahiya Kailene! Halos hubaran mo na si Greg kagabi at pinipilit mong tabi kayong matulog! Imbes na mag enjoy pa yung tao e umakyat nalang ng kwarto at nagtago sayo!" pagalit na sabi ko kay insan habang kumakain kami ng tanghalian.

"At hindi ka pa nakuntento nung umalis na si Greg! Naghanap ka pa ng ibang biktima! Buti nalang mababait mga models naming lalaki kundi wasak na sana ngayon yang pechay mo!" pagsegundo naman na pangaral ni Pio kay insan.

"Wag nyo ng ipaalala at ulit ulitin, pwede? Magkukulong nalang ako sa kwarto hanggang sa makaalis tayo.. Wala na akong mukha na ihaharap kay Fafa Greg.. My God! Nakakahiya talaga...."

Napabuntong hininga nalang kaming dalawa ni Pio.

May biglang humalik sa pisngi ko. "Saan ka galing Dy? Wala ka na sa sofa pag gising ko.."

Ngumiti lang siya at tumabi sa akin.

Nag isip ako kung may nagawa ba akong kahiyahiya kagabi kaya ganito nalang ang ngiti nitong katabi ko.

"Uhm.. Daddy, may nagawa ba ako kagabi?"

"Wala naman. You just repeatedly saying sorry that you just love me so much that you don't want to hurt me."

Napatigil naman ako sa pag subo ng tinapay at napatingin sa kanya. Bigla akong kinabahan.

"What else did i say?"

"You passed out after. Buti nalang Eli and I stop drinking nung makita namin na wala kang balak matulog ng hindi lasing."

Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. "Don't worry me, i love you so much. I will never hurt you too. "

Bigla naman may kumurot sa dibdib ko.

Sorry Savvy, hindi ka nasasaktan ngayon dahil hindi mo alam ang kalokohang ginagawa namin ni Eli. Sorry Dy.. Because I'm so selfish that I want you both. Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now