39

8 1 0
                                    


8am ng maga nang nagising ako. Tumingin ako sa katabi kong mahimbing pa ang tulog. Nalasing nanaman to kagabi. Ang hina talaga uminom ni insan..

Dito ako natulog sa kwarto niya habang sa kwarto ko naman natulog ang dalawang lalaking mahal ko..

Dito ko na sila pinatulog dahil madaling araw na nang matapos kaming mag inom. Ayaw pang pumayag ni Savvy dahil gusto niya tabi kami. Pero dalawa lang ang kwarto dito sa bahay at kawawa naman si Eli kung sa sala ko patutulugin.

"Daddy, tabi na kayo ni Eli sa kwarto ko at tabi kami ni insan sa kwarto niya."

"Ano? He's going to sleep in your room? No, no, no. Walang ibang lalaking pwedeng matulog jan kundi ako lang!" masungit na sabi ni Savvy.

"At ano?! Sa kwarto ko pwede magpatulog ng lalaki? No, no, no! Walang ibang pwedeng matulog jan, ako lang!" panggagaya pa ni Kailene kay Savvy. Saka ito tumawa ng malakas at dumiretso na sa kwarto niya.

Tahimik lang naman si Eli na nakikinig sa amin halatang pagod at inaantok na.

Sinamaan ko naman ng tingin si Savvy. " Pagod ako at gusto ko ng magpahinga! Umakyat na kayong dalawa at matulog sa kwarto ko!" sabi ko habang nakapamewang.

Nagulat naman si Savvy dahil nahalata niya na naiinis na ako.

"Okay My.. Goodnight.. I love you." hinalikan ako sa labi saka ito umakyat sa kwarto ko.

Sumunod naman si Eli pero bago siya umakyat ay hinalikan niya muna ako sa pisngi at mahinang bumulong ng.. "I love you.. Goodnight."

Nangingiti nalang ako habang naalala ang nangyari kagabi. Pagkalabas ko ng banyo ni Kailene ay lumabas na ako para silipin si Savvy at Eli sa kwarto ko.

Dahan dahan kong binuksan ang kwarto. Tulog pa si Savvy sa kama ko habang nakita ko naman si Eli na nag iikot sa kwarto ko..

Napatingin ito sa pintuan kung saan ako nakasilip.

Pumasok ako at lumapit sa kanya.

"Kanina ka pa gising?" mahinang bulong ko dito.

Parang bata itong ngiting ngiti na tumango.

"Bakit ganyan ngiti mo? Siguro may ginawa ka dito sa kwarto ko noh?"

iling iling ito habang nakangiti pa rin.

Napakunot naman ang nuo ko.. "Eh bakit ganyan ka makangiti?"

Lumapit siya at bumulong sa akin. "Kinikilig kasi ako nagyon lang ako nakatulog sa kwarto mo.. Good morning pala." saka mabilis akong hinalikan sa labi.

Napangiti naman ako.. " Ewan sayo Eli para kang bata."

At sumayaw sayaw pa ito bago nagpunta ng banyo.

Nilapitan ko naman si Savvy at inayos ang kumot niya. Saka hinalikan siya sa pisngi.. Dumilat ito at napangiti ng makita ako.

"Good morning Mommy.." saka ako hinila sa dibdin niya. Tumingin siya sa likod niya kung andun pa si Eli.

"Si Eli?" tanong niya.

"Asa banyo." sagot ko. Niyakap naman niya ako nang mahigpit at dinantayan..

"I want to sleep more." sabi niya. Pero nagpumiglas ako. Pag labas ni Eli at makita niyang ganito ang posisyon namin malamang magseselos nanaman yun.

"Wait Dy, I need to pee." pero nakatulog na ulit ito. Kaya dahan dahan nalang ako kumawala sa yakap niya.

Bumalik ako ng kwarto ni Kailene para kunin ang cellphone ko. Nakita kong may 1 message ako.

Napakunot naman ang noo ko nang makita kung kanino galing..

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now