9

84 1 0
                                    

Dalawang linggo ng nangliligaw si Savvy sa akin.

Napansin din ni insan na hindi talaga marunong mangligaw si Savvy. Tuwing pumupunta kasi siya dito, panay pagkain lang ang dala niya. Minsan binigyan siya ni insan ng tip sa pangliligaw. "Fafa Savvy, okay ang pagkain dahil timawa naman tong pinsan ko. Kaya lang dapat minsan magdadala ka naman ng flowers o chocolates."

Sinagot naman siya ni Savvy na baduy daw yun. Magsasalita pa sana si Kai kaya lang sinabi kong hayaan nalang niya.

Pero isang araw, nung susunduin niya ako sa bahay para ihatid sa studio. Nagulat ako sa dala dala niya. Medyo nahihiya pa nga siyang iabot ang isang bouqet ng white roses at mga chocolate sa akin.

Namumula ang tenga niya at hindi siya makatingin sa akin. "For you." sabi lang niya.

Dinagdagan pa ng pang haharot ni insan kaya mas lalong namula si Savvy sa hiya.

Nagpasalamat ako sa kanya. Naapreciate ko naman effort niya. Pero sabi ko kung hindi siya komportable sa pag bibigay ng ganong bagay ay ok lang naman.

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Don't worry, okay lang magpakabaduy ako mapasakin ka lang."

"Tara na nga panay ka pambobola." aya ko sa kanya dahil hindi ko na maitago ang napakalawak kong ngiti.

"PBB teens te?" bulong ni Kai sa akin.

"Tse! Inggit ka lang."

Si Savvy naman ang nilapitan niya at sinabing bibigyan pa niya ito ng ibang tips sa pangliligaw. Hindi naman siya pinansin ng supladong si Savvy.

****

May mga araw din na hindi siya nakakapunta sa bahay para sunduin ako. Pero walang mintis naman ang pagtawag niya sakin pag hindi siya busy.

Napag alaman kasi namin na pag aari niya pala ang resort na pinagdausan ng party ni Patrick. At isa siya sa boss ng company na pinagtatrabahuhan nung modelong kahalikan ni insan nung party.

"Kaya pala natakot at agad umalis yung modelong yun nung nakita ka." sabi ko sa kanya.

"Hindi ko gets." sabi naman ni insan.

"Malamang hindi mo maalala, lasing na lasing ka kaya nun. Binuhat ka pa nga ni Savvy hanggang sa kwarto mo." paliwanag ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin.

"So mayaman ka pala. Kayang kaya mo ng buhayin ang pinsan ko pag nagkatuluyan kayo."

Kinurot ko siya sa tagiliran. Andito kami ngayon sa sala at nag iinuman. Linggo ngayon kaya wala kami mga trabaho parepareho. Si insan nakaisip mag inom pagkatapos namin kumain ng dinner.

"Aray ko naman." reklamo ni insan sa pagkurot ko sa kaniya. "Arte arte mo talaga. Sagutin mo na kasi si Fafa Savvy. Kung ayaw mo naman bigay mo nalang sa akin." at kumindat pa talaga siya kay Savvy.

Ngumisi lang naman si Savvy at hinawakan ang kamay ko. "Sorry I'm taken." sabi niya kay insan. Kinilig naman ako. May kung ano nanamang bulate na kumikiliti sa tiyan ko. Tinignan ko si insan at benelatan.

Umismid nalang si insan at tumayo "Hay makalayas na nga dito. Hindi uusad ang lovelife ko pagnakadikit lang ako sa inyo. Baboosh!"

"Teka saan ka nanaman pupunta?"

"Kila Mela, aayain ko mag boy hunting. Masama loob ko, nabasted ako ni Fafa Savvy." humawak pa sa dibdib na parang nasaktan talaga siya. Berat talaga.

"Wag ka mag papakalasing kung iinom kayo ha? Message ka lang pag magpapasundo ka."

"Oo inay at kayo wag kayo magbehave ha? Solo nyo tong bahay kaya malaya kayong gawin ang gusto niyong gawin. Baboosh insan, bye fafa Savvy. Galingan mo na dumiskarte. Pakipot lang yan si insan." binato ko siya ng tsinelas pero hind siya tinamaan dahil nasara na niya agad ang pintuan.

Pagkaalis ni insan ay tahimik lang kaming dalawa ni Savvy. Pinaglalaruan niya lang ang kamay ko at paminsan minsan ay hinahalikan ito.

Siya ang unang bumasag ng katahimikan. "Hindi ako nagsasawang halikan ang kamay mo." napatingin ako sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa mga mata ko at onti onting bumababa ang tingin niya sa labi ko.

"Pero mas masarap siguro pag labi mo na ang hinahalikan ko." bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatitig lang siya sa labi ko at dahan dahang nilalapit ang mukha niya sa akin.

Hindi ko alam kung aatras ba ako o mag i-stay lang sa pwesto ko. Sabi ng isip ko umatras. Pero sabi naman ng puso ko go go lang.

Grabe ang kabog ng puso ko na parang gusto nitong lumabas.

Konti nalang magdidikit na ang labi namin. "Can I kiss you?" malambing niyang tanong. amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.

Napatingin ako sa mapupulang labi niya na parang ang sarap sarap halikan. Kainis naman bakit nagpapaalam pa kasi.

"Ye.. Yes." nauutal kong sagot. Konti nalang talaga magkakadikit na ang labi namin.

"Pag hinalikan kita. Ibig sabihin akin ka na." tanong niya nung sobrang lapit na ng muka niya sa mukha ko. Naduduling ako kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko.

"Babe, ngayon nakuha mo na ang gusto mo. Papakasalan mo ba ako?" sabay bigay ng nakakalokong ngiti.

"Seriously Catch? Yan na ba ang way mo ng pag popropose?"

Napadilat ako bigla.

Bakit biglang pumasok yun sa isip ko? Dapat kalimutan ko na siya. Hindi ko na siya mahal. Hindi na dapat. Alam ko hindi na. Pag pupumilit ko sa sarili ko.

Napansin ni Savvy ang pag atras ko.

Kita ko ang sakit sa reaksyon niya. Umatras din siya at sumandal sa sofa.

"So it's a no then." napatingin ako sa kaniya. Akala niya nireject ko siya dahil sa pag atras ko.

"Basted na ba ako?" natatawa niyang sabi. May himig na sakit sa boses niya. Hindi siya tumitingin sa akin.

"It's not like that." sabi ko at yumuko.

"Then what? Ano ibig sabihin ng pag atras mo?"

"May naalala lang ako. Sorry." dapat ko bang sabihin. Importante pa bang sabihin yun?

Sabi ni insan wala naman na sa panahon ngayon yun. Nasa lalaki yun, kung talagang mahal ka niya. Tatanggapin ka niya ng buong buo kahit hindi siya ang nakauna sayo.

"May gusto akong itanong sayo." kahit kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya, alam ko kailangan pa din niya malaman ang totoo.

Kung gusto talaga niya ako, tatanggapin niya ang kahit anong malaman niya tungkol sa akin. Kung hindi naman.. siguro hindi talaga kami ang para sa isa't-isa.

Saka ilang linggo palang naman siyang nangliligaw. Hindi pa gaano kalalim ang pagkahumaling ko sa kanya.

Pero siya, sinabi na niyang seryoso talaga siya sa akin. At nakikita ko naman na totoo yun.

Kung may gusto akong pagbuksan muli ng aking puso. Si Savvy na yun. Alam kong sasaya ako sa kanya. Kahit paminsan minsan lang siya magsalita.

"Ano yun?" nakatingin na siya sa akin ngayon. Hinihintay kung ano man ang sasabihin ko.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. "Paano kung malaman mo na hindi na ako virgin?" .

Tamara Fall AyalaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt