8

96 1 0
                                    

Kinabukasan....

Tumunog ang alarm ng cellphone ko na nakalagay sa lamesa nasa kanang gawi ng kama ko.

Minulat ko ng konti ang isang mata ko at inabot iyon. Pinatay ko ang alarm. "5 minutes pa." saka ako natulog ulit.

Humarap ako sa kaliwa at inakap ang unan ko. Dinantay ko pa ang paa ko. Makakatulog na sana ako ulit ng may mapansin akong mali.

Matigas ang unan ko at iba ang amoy nito. Kinapa kapa ko pa at napansin kong hindi to ang unan ko.

Dinalat ko ang mata ko. At nakita kong si Savvy ang akala kong unan na yakap yakap ko.

Nasa ulo niya ang kanan niyang kamay samantalang hawak naman niya ang cellphone niya sa kaliwang kamay. Nakaheadset to na nanunuod ng movie sa cellphone.

Napansin niya siguro ang pag tingin ko kaya nalipat ang atensyon niya sa akin.

"Good morning." medyo tamad niyang bati. At binalik ang tingin sa cellphone para ipause ang movie na pinapanuod niya. 

Pagkatapos niyang maibaba ang cellphone ay kinuha niya ang kamay kong nakaakap sa kanya at hinalikan ito. "Bangon na. Kain na tayo." parang wala lang niyang sabi.

Natulala ako sa gwapo niyang muka at sa paghalik niya sa kamay ko. Bumalik lang ako sa ulirat ng maalala kong dapat pala wala siya dito sa kwarto ko. "Ahhhhhhhhh........"

Sigaw ko ng malakas sabay tayo at hampas ng unan kay Savvy. Nagtakip naman siya ng tenga at tinatanong kung anong problema ko.

Nagmamadali naman pumasok si insan na punong puno pa ng pagkain ang bibig. "Amu ma maari?" (anong nangyari?) hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sa pagkain na nasa bunganga niya.

"Savvy! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" pasigaw kong sabi. Saka ko kinuha ang kumot ko. Nakadaster lang ako ng pantulog at wala akong bra.

"Mangliligaw?" sagot niya na parang obvious naman sa ginagawa niya.

"Ha? Saan parte ng pangliligaw ang ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Narinig ko naman natawa si insan. Ubos na niya ang pagkain sa bibig niya kaya alam na alam kong sa pagtawa palang niya ay may kinalaman siya dito.

"Kailene!!!" Pasigaw kong tawag sa kanya. Pero ang buset kong insan bigla nalang tumakbo palabas ng kwarto ko.

Kaya si Savvy nalang ang tinanong ko ulit.

"Savvy mag explain ka. At gusto ko detalyado. Ayoko ng maiksing sagot."

Umupo siya ng maayos at humarap sa akin.

"Nagpunta ako dito para dalan ka ng breakfast mo dahil part yun ng pangliligaw ko. And then your cousin told me na, umakyat ako dito sa kwarto mo para hintayin kang magising dahil gawain din daw yun ng mangliligaw. Kaya sinunod ko lang siya, anong mali sa ginawa ko?"

Dirediretso niyang paliwanag. Medyo iritable pa nga ang dating ng pananalita niya dahil akala niya siguro walang mali sa ginawa niya. Siguro lahat ng babae niya naikama niya. Kaya parang wala nalang ang pagtabi niya sa akin sa kama kanina.

Nasapo ko nalang ang nuo ko. "Savvy, sorry kung nasigawan kita. Wala kang kasalanan okay." saka ko pinaliwanag sa kanya na dapat hindi pumapasok sa kwarto ng nililigawan yun mangliligaw. Sa sala lang dapat ito maghihintay.

Mukang hindi pa din niya magets.  Ano daw masama kung tumabi siya sa kama ko eh hindi naman daw kami nag aano. Hinintay lang naman daw niya akong magising. Wala naman daw siyang hinawakan. Pero may nakita daw siya. Tinanong ko siya kung ano yun. Pero isang ngisi lang ang nakuha kong sagot.

Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto. Pero huminto siya ulit at pilyong ngumiti sa akin. "By the way, your pink panty is cute." sabay sara niya ng pinto.

Namula naman ako sa hiya. Wala akong shorts at hindi ako mahilig mag kumot. Nakakahiya talaga!

"Humanda ka sa akin Kailene!!"

****

Hinatid kami ni Savvy sa studio. Nasabi na pala lahat ni Kai ang schedule ko sa araw araw. Kaya pala alam na ni Savvy kung anong oras ako gigising kaninang umaga.

Kanina habang nagdadrive ay pangiti ngiti siya ng nakakaloko habang gumagawi ang tingin sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin. Nakamove on na ako sa pink kong panty na nakita niya. Bahala siya kung hindi siya makaget over dun.

Si insan naman, tahimik lang sa likod at pakanta kanta. Hindi ko siya kinakausap.

"Hindi kita madadalan ng lunch. May aasikasuhin kasi ako." sabi ni Savvy.

"Okay lang. Hindi mo naman kailangan na lage ako dalan ng pagkain. Salamat sa paghatid. Ingat ka." bago umalis ay kinuha niya muna ang kamay ko at hinalikan ito.

Pinaninindigan talaga niya habang nangliligaw siya, sa kamay lang siya pwedeng humalik.

"Anastasia Steele pasok ka na, nakaalis na si Christian Grey." sinamaan ko ng tingin si Kai. Nabuksan na pala niya ang studio.

"Hoy Kailene! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo ha. Humanda ka sa parusa ko."

Ang parusa ni insan? Mag general cleaning sa studio.

"Alam mo, choosy ka din. Nakatabi lang naman sa kama kung makapagreact kala mo narape. If I know lang..." reklamo niya habang nag ma-mop ng sahig.

"Tigilan mo ko ha. Kundi ikakalat ko picture mo sa facebook." tinutukoy kong picture ay nung elementary pa siya.

"Oo na oo na!" pagalit niyang sabi.

****

Patuloy siya sa paglilinis habang ako naman ay inedit ang mga litratong kinuhanan namin kagabi sa party ni Patrick.

May mga ibang kliyente din na pumunta para mag paset ng appointment sa amin at may iba naman na nagpapicture lang sa studio.

Pagdating ng lunch. Sinara namin ang studio at kumain sa canteen ni Aling Bebang.

Tumitingin ako ng ulam ng tumawag si Savvy.

"Kumain ka na?" tanong niya.

"Kakain palang. Pumipili palang ako ng ulam. Ikaw kumain ka na?"

"Saan yan?" deadma nanaman tanong ko.

"Dito sa canteen, malapit lang sa studio."

"Okay. Pakabusog ka. See you later."

"See you." at binaba ko na ang tawag.

"See you." pabebeng gaya sa akin ni insan. "Kain muna bago lande. Haba ng pila oh. Pili ka na ng ulam te."

Humingi naman ako ng paumanhin sa mga nakapila. Mga kakilala ko naman sila kaya hindi nagalit. Tinukso pa nga ako dahil sa wakas may lovelife na daw ako.

Habang kumakain ako may narecive akong text galing kay Savvy. Nagtataka ko naman binuksan to. Hindi kasi nagtetext yun. Panay tawag.

Pagopen ko. Picture ko pala kaninang umaga. Nakatalikod ako at nakalilis ang daster na suot ko. Kaya kitang kita sa picture ang pink kong panty.

May narecive ulit akong text galing sa kanya.

From: Savvy
Cute. 😏

Hay naku Savvy!!!

Tamara Fall AyalaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz