34

10 1 0
                                    

"My wake up.. Andito na tayo."

Nagising ako sa malambing na haplos ni Savvy.. Nagkusot ako ng mata at nagpout.

"Antukin ka talaga sa byahe."  lumapit sa akin para halikan ang bibig kong nakanguso.

Nauna na siyang bumaba ng sasakyan at ako naman ay nag ayos konti ng sarili. Sinuot ko ang shades ko at bumaba na. Namangha ako sa ganda ng tanawin.. Kinuha ko agad ang camera ko para kuhanan ng litrato ang isla pero pinigilan ako ni Savvy.

"Let's eat first. Mamaya na yan." iritado niyang sabi. Sungit mode nanaman siya. Pass 12 na pala ng tanghali. Di ko ramdam ang gutom dahil panay kain ang ginawa ko kanina sa byahe bago ako nakatulog.

Inakbayan niya ako, habang hawak hawak niya sa isang kamay ang gamit namin.

Nagtungo kami sa may mga kumpol na tao sa isang cottage. Ang laki ng cottage na to, may sariling C.R ihawan, lutuan, at lababo.

Sabagay ang dami nilang andito may mga beki na tingin ko ay mga make up artist na busy sa pagpapacute sa mga modelong lalaki. Sa isang lamesa naman ay tinging ko ang mga modelong babae na masayang nakikipag harutan sa isang gwapong lalake na tingin ko ay ang photographer dahil nakasabit pa sa leeg nito ang kanyang camera.

"Oh my G! Fafa Savvy is here girls.." masayang sabi ng isang baklang nagawi ang tingin sa pwesto namin. Napatigil naman sa kwentuhan ang mga modelo at lumapit kay Savvy para batiin ito.

Isang tamad na tango lang ang ginawa nito sa mga bumati sa kanya. Ang suplado talaga. Pero pag ako kasama ang kulit kulit naman minsan.

Dedma naman sila sa presensya ko. Kita ko din ang bahagyang irap ng mga babaeng modelo sa akin pagkatapos nila akong ihead to foot ng tingin. Nagbubulungan pa ang mga ibang beki sabay tingin ulit sa akin ng may mapaglarong ngiti sa mga labi.

Ano bang problema nila? Tingin siguro nila past time ako ni Savvy na sinama dito kaya ganyan sila makatingin!

"Tamang tama ang dating mo, luto na ang mga foods. Let's eat." umikot naman ang mata ko ng talagang dinedma ng baklang to ang presensya ko. Kainis.

Nagtaas nalang ako ng kilay at hinayaan nalang ang inis ko sa mga tauhan ni Savvy.

"By the way guys.." Nagulat ako at napatingin sa kanya. Bigla nalang kasi nag sasalita ng malakas, kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"This is Tammy. My girlfriend. So I expect you all to be kind to her. And boys, stop looking at her. Is that clear?!" maawtoridad niyang sabi. Nahalata niya pala ang tingin ng mga modelo niyang babae. Pati mga beki na pinag bubulungan ako kanina ay natahimik at maamong tumango kay Savvy.

Imbes na mahiya ay pabiro kong siniko si Savvy, pero ngumisi lang siya at hinalikan ako sa noo. Nakangiting tagumpay naman ako sa mga froglet na beki at modelong babae niya. Ano? Irap pa more? Sabay taas ko ng isang kilay.

Napatingin din ako sa mga modelong lalaki na nakayuko na ngayon hindi ko sila napansin kaninang nakatingin sa akin.

"Hindi mo naman kailangang gawin yun." pabulong ko sabi sa kanya. Hehe pero ang totoo, medyo natuwa ako sa ginawa niya.

"Nah, they should know their place. I'm not letting them to be rude at you. At gusto ko ako lang titingin sayo ng may malisya." sabay kindat sa akin.

Napangiti nalang ako sa kilig at hindi na sumagot sa kanya. NakaSavvy's pilyo mode naman siya ngayon. Kanina kasi ang sungit niya.

May dumating na isang matandang babae na mga kaedad ni Mama, pinapayungan ito ng isang body guard. Halata bigatin ang isang to ah... Yumuko at bumati ang mga modelo sa kanya pati ang mga beki.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now