22

56 1 0
                                    

"What are you planning Catch? Is this one of your jokes? It's not funny. Let go of my hand, I'm leaving." pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. Pero ayaw niya akong bitawan. Naiinis pa din ako sa paghalik niya sa akin, pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang mahalikan ako.

"Please Hulog, I really really want you. If I let you go now, I know that this will be the last time that I'm gonna see you. So please, stay. Let's get to know each other more."

Kita ko ang sinseredad sa kanyang mga mata. May parte sa puso ko na gustong pumayag. Pero mas nangingibabaw ang takot, takot na baka pag hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko ay iwan din niya ako sa huli.

Hindi mahirap magustuhan si Catch. Kahit na ilang araw palang kaming magkasama. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kagaya niyang gwapo, mabait, sweet, masayang kasama at masarap kausap. Babae lang ako, at aaminin kong ganito lalake ang pinangarap ko dating maging boyfriend. Pero paano pag ako lang naman ang masaktan sa huli.

"Catch, sobrang bilis ng pangyayari. Ilang araw palang tayong magkasama, paano ako nakakasiguro na nagsasabi ka ng totoo."

"Then stay and I'll prove it to you."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Alam kong takot ka pa din magpapasok ng ibang tao sa buhay mo, kaya hanggang ngayon nakasara pa rin yang puso mo. But believe me Hulog, ang isang kagaya mo ay mahirap pakawalan. Pag umoo ka, hinding hindi kita iiwan."

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now