4

95 1 0
                                    

Pagkatapos ng mahabang message ng pamilya ni Patrick sa kanya, at ilang dance number ay nagkainan na.

"Grabe.. Im famish. Akala ko may susunod pang number pagkatapos kumanta ng kapatid ni Patrick." Birthday lang kasi pero grabe yung message ng angkan ni Patrick. Kaya ang tagal bago nakakain ang mga bisita. Syempre dahil hindi naman kami bisita ni insan, kumuha muna kami ng mga litrato at nung nasiyahan na kami sa mga pinagkukuha naming pictures saka lang kami kumain.

"Ako hindi naman gaanong gutom, tumikimtikim ako ng handa kanina eh. Close na kami nung waiter na pogi." Sabay nguso niya dun sa waiter na nakatoka sa pagkain.

"Kainis ka, hindi mo manlang ako pinamahagian ng grasyang natanggap mo. Sinolo mo talaga. Kanina pa ako paikot ikot tapos ikaw dumidiskarte ka na pala ng lafang." Pagrereklamo ko sa kanya.

"Sorry naman insan. Nawala ka sa isip ko kanina. Paano kaliwat kanan ang mga fafa sa party na to. Kaya ginutom ako. Buti type ako nung waiter.." malantod niyang sabi.

"At mamaya pag katapos kumain alam mo na ang kasunod.." Nagets niya ang ibig kong sabihin kaya tumingin siya sa akin.

"Pandesal party." Sabay naming sabi at nagtawanan.

***

Dahil trabaho ang pinunta namin dito bawal kaming maligo. Pwede kaming uminom pero hindi dapat magpakalasing. Pero ewan ko lang sa pinsan ko. Panigurado bagsak nanaman yan pag uwi.

Nakita kong papunta na sa pool ang nakatopless na si Patrick.

Eto na, eto ang pandesal party na sinasabi namin ni insan.

Nagpalit na ng mga pang ligo ang mga bisita. Pumuputok sa abs ang mga katawan ng mga artista at modelong lalaki. Nakita ko naman si insan na panay kuha sa kanila ng litrato. Hinayaan ko nalang siya.

Busy ako sa pagkuha ng litrato ng may nag abot sa akin ng isang bote ng alak. "Kanina ka pa nagtatrabaho. You can relax for now."  kinuha ko yung sa kamay niya.

"Thanks.." He's here again. The mysterious guy.

Tahimik lang siya sa tabi ko habang umiinom ng alak. Kanina pa siya umiinom ah. Hindi pa kaya lasing to?

Napatingin ako kay insan at nginuso ang katabi ko. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Nakita ko na nailabas niya ang cellphone niya, maya maya tumunog naman ang cellphone ko.

"Bakit insan?"

"Tammy, wag ka ng choosy. Ang yummy niyang katabi mo. Ako na bahala kumuha ng pictures. Go enjoy ka naman."

"Behave ka jan. Panay boys lang pinipicturan mo ha. Napapansin kita. Sige, ikaw na ang bahala." madami pa siyang sinasabi about sa pang aakit na dapat kong gawin pero pinatay ko na ang tawag.

Tinungga ko ulit ang bote ng mapansin na wala na pala yong laman.

Napatingin ang katabi ko sa akin. "Do you want another bottle?" Tanong niya sa akin.

"Sure." Inaya niya akong maupo sa kubo kung saan siya nakapwesto kanina.

Tanaw pa din naman ng pool dito. Nang makaupo na kami, sinenyasan niya ang waiter na lumapit.

"Anong gusto mong pulutan?" Tanong niya sa akin.

"Sisig, fries at calamares kung okay lang." Hindi ako magpapakabebe at sasabihing kahit ano, mamaya hindi ko naman gusto yung dadalin nung waiter.

Nakita ko ang pag ngiti niya bago binalingan ang waiter. Nagpadala din siya ng isang bucket ng alak at yelo.

"Hindi ko alam na matakaw ka pala. Hindi kasi halata sa katawan mo." Sabay hagod niya sa katawan ko. Bigla ko namang hinarang ang bag ko sa cleavage kong nakaexpose.

"I love foods. Isa ang mga paborito kong pagkain sa pampawala ng stress ko. Pero luckily hindi ako tabain kahit kain ako ng kain." Nakita niya hindi ko tinatanggal ang bag ko na nakaharang sa cleavage ko. Hindi naman siya manyak tumingin. Naiilang lang ako kasi baka isipin niya inaakit ko siya.

Tinanggal niya ang itim na jacket niya at pinasuot sa akin. Akala niya siguro nasiwa ako sa paninitig niya kanina sa katawan ko. Pero ang totoo niyan, ayoko lang isipin niya na inaakit ko siya. Nakaplain white shirt nalang siya ngayon at black ripped jeans. Dagdag pogi points ha, ang gentleman.

At dahil malamig na din ay sinuot ko ang jacket niya. Sabi ko nga, hindi ako pabebe. Sinarado ko ang zipper ng jacket niya at tinignan siya. "Paano ikaw? Hindi ka ba giniginaw?"

"I can manage." Yun lang ang sinabi niya. At hindi na muling nagsalita. Dumating na ang order niya at natuwa ako dahil andun lahat ng sinabi ko.

Una kong tinikman ang sisig, sunod ang calamares at fries. "Wow! Ang sarap lahat ha.. Ang galing ng chef dito."

"Yeah, magaling talaga magluto si Mang Dante. Teenager palang ako, chef na siya dito." Paliwanag niya.

"Kilala mo pala ang chef dito. Siguro lage ka dito noh." Patuloy pa din ako sa pag kain ng mga pulutan.

"Yeah.." Yun lang ang sinabi niya. Pansin ko sa kaniya, tamad siya magsalita. Kung hindi ako magsasalita. Hindi din siya magsasalita o mag tatanong.

Pero kahit tahimik lang kami parehas, narerelax ako at komportable akong kasama siya. Kuntento na kaming umiinom habang nakatingin sa mga taong nagpaparty sa pool. Parang presensya lang ng bawat isa sa amin, ay sapat na.

***

Nasa pang apat na bote na ako ng makita kong ubos na ang pulutan. Last calamares na ang hawak ko. Dahan dahan ko iyong sinubo at ninamnam. Nalungkot naman ako bigla, nakakatamad uminom ng walang masarap na pulutan. Narinig ko siyang tumawa. Kaya napatingin ako sa kaniya

"Why are you laughing?" nagtataka kong tanong.

"Sorry.." Pero tumatawa pa din siya. Napansin ko na ang sarap niyang tignan pag masaya siya. Kesa sa parang problemado siya lagi.

Tumigil siya sa kakatawa at pinahid ang konting luha sa mata niya dahil sa sobrang pagtawa.

"Natatakot na ako sayo. Kanina lang ang tahitahimik mo, tapos ngayon bigla ka nalang tatawa ng malakas. Baliw ka ba?"

"No, I'm not crazy." medyo nangingiti pa din niyang sabi. "Grabe. Hindi ko na matandaan kung kelan yung huling tawa ko ng ganito." iiling iling niya sabi na nakangiti pa din.

Tumingin siya sa akin. "Thank you."

"Ha? Para saan?" Takang tanong ko.

"Dahil napatawa mo ako." Eto nanaman siya sa pagiging tamad niya magsalita.

"Eh paano naman kita napatawa? At please paki explain ng mabuti ha. Ang ikli mo kasi sumagot."

"Natawa ako sa itsura mo nung nakita mo na ubos na yung pulutan. Dahan dahan mo pang ningunguya yung huling calamares na parang ninanamnam mo talaga." Tumigil siya sa pagsasalita at ngumiti na parang gusto niya ulit matawa. "Ang cute. Parang ang sarap mo tuloy kurutin sa pisngi." nag blush naman ako bigla sa sinabi niya. Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. "Okay na po ba? Mahaba na po ba ang sagot ko?"

Nangiti naman ako at tumango sa kaniya.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now