23

47 1 0
                                    

"Ano! May boyfriend ka na?!! Kailan pa?" gulat na tanong ni insan.

"Sa totoo lang e, kahapon lang insan. Mabilis ba masyado?" medyo nahihiya kong sabi.

"Wala naman sa bilis o tagal nyong magkakilala yan insan. Nasa gaan at saya ng pakiramdam pag kasama mo siya ang basehan jan. Ang tanong ba eh, masaya ka sa kanya?"

Ngumiti ako at tumango. Napabuntong hininga naman siya. "Eh paano yan, uuwi ka na dito. LDR kayo?"

"Yun nga sana ang papakiusap ko sayo insan. Kung okay lang na ikaw muna ang magbigay ng mga pictures na nakuhanan ko nung pageant. Naedit ko na at naayos yun. Mag eextend sana ako ng stay dito sa Bora. Maglilibot at mamasyal muna kasi kami dito bilang magkasintahan. Tapos papakilala ko siya sayo pag uwi namin."

"Ok insan ako na bahala dun. Huwag kang mag alala kahit 1 year ka pa jan. Kung jan ka masaya susuportahan kita insan." maluha luhang sabi ni Kai, habang pinupunasan niya ng tissue ang mga mata niya.

"Oh? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" nagaalala kong tanong.

"Wala naman insan. Masaya lang ako para sayo. Kala ko kasi tatanda ka ng dalaga."

"Berat ka talaga. Wag ka ngang umiyak. Para kang tanga." natatawa kong sabi.

Natawa lang din siya at sinabing. "Buong buhay mo kasi, ako at si tita lang ang kaibigan at kasama mo." huminto siya tumingin sa akin. "Buti naman binuksan mo na sa wakas ang puso mo sa iba."

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now