31

13 1 0
                                    

Trinaydor ako ng sarili kong katawan. Gusto ko siyang itulak pero may kung anong pumipigil sa akin.

Ang mga halik niya..
Ang labi niya..
Ang amoy niya...
Ang lahat lahat sa kanya..
Namiss ko....

Namiss ko siya..

Bakit ko nararamdaman ang mga to. Oo aminado akong sinagot ko si Savvy ng hindi pa lubusang nakakalimutan si Eli. Hindi ko siya ginawang panakip butas. Mahal ko si Savvy. Alam kong si Savvy na ang mahal ko. Si Savvy ang nagturo sa akin para buksan kong muli ang puso ko at tuluyan ng makalimutan si Eli. Pero bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko ngayon.

Lumalalim na ang halikan namin ni Eli ng magring cellphone ko at nakitang si Savvy ang tumatawag.

Dahil sa gulat ay naitulak ko si Eli ng malakas.

"Mali to, mali to." sabi ko habang kinukuha ang cellphone ko.

Sasagutin ko na sana ang tawag ng inagaw ni Eli ang cellphone ko.

"Eli ano ba! Magtataka si Savvy pag hindi ko sinagot. Ibalik mo sakin yan!"

Pero tinaas lang niya ang kamay niya para hindi ko maabot. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang pilit ko pa ding inaagaw ang cellphone ko sa kamay niyang nakataas.

Bakit ba kasi ang tangkad ng isang to! Matangkad na ako sa heigt kong 5'7" pero pagkatabi ko silang dalawa ni Savvy, nagiging pandak ako.

"Ano bang problema mo!" hindi ko na maiwasang mainis. Namatay na ang kakatunog ng cellphone ko. Missed call na ang tawag ni Savvy. Panigurado magtataka yun.

"You kissed me back." parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi niya. Nakangiti pa din ito ng malapad.

"And so? Nabigla ako ng hinalikan mo ako!" medyo pasigaw kong sabi. Dinaan ko sa sigaw ang sagot ko dahil hind ako makaisip ng dahilan.

"Don't give me that petty reason. You kiss me back because you like me kissing you."

Namula ako sa sinabi niya at napansin niya yun. Ngumisi siya at onti onting lumapit sa akin.

"You miss me. Don't you?" grabe ang ngiti niya na parang nanalo siya sa lotto. Palapit pa rin siya ng palapit sa akin.

Paatras lang ako ng paatras hanggang sa maout of balance ako dahil sa upuan na nabangga ko. Hinawakan naman agad ako ni Eli sa bewang kaya hindi ako tuluyang natumba.

Napakapit ako sa braso niya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Titig na titig siya sa akin.

"Kasi ako, I miss you so damn much.." sabi niya sa mabagal at paos na boses. Punong puno ng pagmamahal ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Kumislap ang mga nangingilid na luha sa kanyang mata. May kung anong humaplos sa puso ko. Namuo din ang luha sa gilid ng mata ko.

"Eli, wag mo na akong pahirapan... Just... Just let me go." pag susumamo ko sa kanya.

Alam ko masasaktan siya. Pero yun ang kailangan namin gawin. Ang pakawalan na ang bawat isa at ibaon sa limot ang nakaraan namin.

Nawala ang ngiti sa labi at mga mata niya ng marinig ang sinabi ko. May nakawalang isang luha sa mata ko, at nakita kong nasaktan siya ng makita yun.

Inayos niya ang pagkatayo ko at inakap ako ng mahigpit. Tuluyan na akong naiyak sa bisig niya.

Kahit may nararamdaman pa ako sa kanya ay hindi na pwede. Dahil ayokong saktan si Savvy. Posible palang magmahal ng dalawa. Totoo nga ang kantang sana dalawa ang puso ko. Kung pwede ko lang silang mahalin parehas ng sabay para wala ng masaktan. Pero hindi pwede at hindi dapat.

Tamara Fall AyalaOnde histórias criam vida. Descubra agora