16

76 1 0
                                    

Nagising kami ni Savvy dahil sa cellphone niya. Sinagot nya to.

"Hello po tita."

"Opo, wala po ako sa condo ngayon."

"Yes tita."

"Okay po. Take care."

"Mi, Tita Ellise will go here. His Eli's mother, my bestfriend."

"Okay Di. Uuwi na din ako."

"No, you'll stay. Papakilala na din kita."

Hindi na ako umangal. Naligo nalang muna ako.

Habang naliligo naisip ko ang ginawa namin ni Savvy kanina. Hindi ako nagsisisi sa ano man ang nangyari sa amin. Mahal ko siya. At alam kong mahal niya din ako. Nakalimutan ko na ang nakaraan at unti unting nasasakop na ni Savvy ang buong puso ko.

Nung natapos na akong maligo at nakapagbihis na ulit ng damit ko kanina. Bumaba na ako para hanapin si Savvy. Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina.

Niyakap ko siya mula sa likuran. "Marunong ka palang magluto Di?"

"Yah, pag gusto ko lang." sabi niya at nilingon ako mula sa likuran niya.

Nagluluto siya ng carbonara na siyang pabirito ko. Nung nakaluto na siya ay sakto naman dumating ang Tita Elisse niya. Agad itong yumakap pagkakita niya kay Savvy.

"Iho, please bring back my son. Mahina na ang Tito Alberto mo.  Gusto niyang makita si Eli at makausap. Nagmamakaawa ako Savvy. Convince him to visit his father. Alam kong sayo lang siya makikinig." umiiyak nitong sabi. Napakawalang hiya naman nung anak niya. Paano niya natitiis ang tatay niyang may sakit.

"Okay tita. I'll go to Bora. I promise you. I'll bring him back." sagot ni Savvy sa ginang na umiiyak.

****

Doon na ako natulog sa bahay ni Savvy sa resort. Naikwento din niya sa akin ang problema ng bestfriend niyang si Eli.

Nalaman ko na pinagkasundo pala si Eli ng kaniyang mga magulang sa anak ng isang bussinesman. Patay na patay kasi ang babaeng anak ng negosyante kay Eli, at dahil nag iisang anak ay pinagbigyan nito ang gusto.

Pinangakuan ng tatay ng babae na ibibigay kay Eli ang kanilang negosyo pag pumayag itong ikasal sa anak nila.

Kaya pursigido ang mga magulang ni Eli na makasal sila nung babae. Tutal naman daw ay kung sino sinong babae lang naman ang kinakama nito, mas okay na daw na sa isang anak ng successful na negosyante nalang ito bumagsak.

Pero dahil daw si Eli yung tipo ng ayaw dinidiktahan ay hindi ito pumayag sa gusto ng mga magulang. Umalis ito ng bahay at nagtago. Spoiled daw kasi itong si Eli. Bunso kasi kaya nakukuha at nagagawa lahat ng gusto.

Ilang buwan din nila ito pinahanap at nang malaman nila na nasa Beach house ito sa Bora ay pinapunta nila ang babaeng anak ng negosyante. Pero ang hindi nila alam, ay may mahal na si Eli babae sa Bora at nung dumating ang anak na babae ng bussinesman nag pakilala itong fiancee sa girlfriend ni Eli.

Iniwan si Eli ng girlfriend niya. Labis daw nasaktan si Eli dahil mahal na mahal daw nito ang babaeng yun. At ang sinisisi niya sa nangyari ay ang kanyang mga magulang. Inatake sa puso ang papa niya ng nagkasagutan sila ni Eli. Pero nag matigas pa rin si Eli. Hanggat hindi daw bumabalik sa kanya ang babaeng mahal niya ay hindi daw nito mapapatawad ang mga magulang niya.

Kaya kahit may sakit ang ama ay nasa bora lang daw ito, hinahanap at hinihintay ang babaeng kanyang bukod tanging minahal.

"It's funny kasi hindi niya alam ang buong pangalan ng babaeng mahal niya. Kaya nahihirapan din ang mga private investigator na kinuha niya sa pag hahanap nung babae."

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now