20

58 1 0
                                    

"Catch, tulong!" mangiyak ngiyak kong sigaw.

Bigla namang naintindihan ni Catch ang nangyayari kaya bigla niyang hinatak si Jack papalayo sa akin at sinuntok ng sobrang lakas. Nagsigawan ang mga tao sa paligid ng bumulagta si Jack sa sahig.

"Hayop ka! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha!" galit na sigaw ni Catch. Nilabas niya ang balisong sa bulsa niya,na pag aari ko. Pinagtaka ko naman kung paano iyon napunta sa kanya.

"Who the fuck are you! What I am doing is none of your bussines!" matapang na sagot naman ni Jack.

Nakita ko ang higpit ng pagkahawak ni Catch sa balisong. Ayoko nang lumala pa ang sitwasyon. Ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar na to. Kaya inakap ko ang likod niya. Naramdaman ko ang pagkagulat ni Catch sa ginawa ko. Nilingon niya ako. "Please ilayo mo nalang ako dito." sabay kawala ng isang patak ng luha sa mata ko.

Umamo ang mukha niya. Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa pisngi. "Okay."

Binalik niya ang balisong sa bulsa at hinawakan ang kamay ko. Hihilahin na sana niya ako palabas ng magsalita si Jack kaya napahinto kami.

"What did you think your doing?! She's my-" naputol ang sasabihin ni Jack nang magsalita si Catch.

"Dare to touch her again and I'll kill you." may diin sa bawat binitawan niyang salita.

Halatang natakot si Jack dahil nakita niyang seryoso si Catch sa banta niya. Pero hindi niya pinahalata at dinaan nalang sa pagtawa.

"Try me." sabi ulit ni Catch. Na siyang nakapagpatahimik kay Jack. Humakbang pa siya ng isa hakbang papalapit kay Jack na para talagang naghahamon.

Tamara Fall AyalaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora