26

54 1 0
                                    

"Is there something bothering you?"

"Wala Di, napagod lang sa byahe."

"Are you sure? Or baka nagugutom ka lang?" kinurot ko naman siya sa tagiliran dahil sa pang aasar niya.

"I'm fine Di. Don't worry."

Yumuko naman siya para halikan ako. Inakap ko nalang siya ng mahigpit para mawala ang kanina pang gumugulo sa isip ko.

Andito na kami sa Bora. Nakasakay kami sa sasakyan patungo sa bahay ng kaibigan ni Savvy na si Eli.

Si Kai at Mela naman ay tulog na tulog sa likuran. Sa airport palang kasi ay grabe na ang energy nilang dalawa kaya ngayon tulog na tulog sila.

Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa bahay ng kaibigan ni Savvy.

Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko. Namawis bigla ang mga palad ko. Tama ang kutob ko. Dahil ang bahay ng kaibigan ni Savvy ay ang bahay din na pinag tirahan ko dati.... ang bahay ni Catch.

Bumaba na kami ng sasakyan. Dumiretso naman agad si Savvy sa mga gamit namin at binuhat yon papasok ng bahay.

Wala si Catch. Hindi niya sinalubong ang pagdating namin. Malamang hindi din niya alam na pupunta dito si Savvy.

Nagpaalam ako kay Savvy na mag pipicture lang kami nila Mela at insan malapit sa dagat.

Tumango lang siya sa akin at pinagpatuloy ang pag pasok ng gamit namin sa bahay.

Hinatak ko agad sila insan. At nang masiguro na malayo na kami ay saka ko sinabi sa kanya ang nalaman ko.

"Kai, malakas ang kutob ko na si Catch at Eli ay iisa."

"Ha?! Paano mo naman nasabi?"

"Eh bahay ni Catch to. Dito ako tumira ng isang buwan."

"Eh baka naman may kapatid siya
tapos dito nakatira."

"Hindi insan, yung kwento ni Savvy tungkol sa kaibigan niya tumutugma sa lahat ng nangyari sa akin dati. At nakumpirma ko nalang nung huminto tayo dito sa bahay."

"Tamang tama, ipabugbog natin kay Savvy yang hinayupak na manloloko na Catch na yan!!" nanggigigil na sabi ni insan.

Bigla naman akong napayuko, kaya napatingin si insan sa akin.

"Bakit insan? Eto na ang pagkakataon mo para makaganti sa pananakit niya sayo. Siguradong hindi siya mapapatawad ni fafa Savvy pag nagkataon."

"Hindi niya ako niloko." mahina kong sabi.

"Ha? Akala ko ba ginamit ka lang ng Catch na yan, para sa huling mga araw niya na pagiging binata? Di ba nga yung fiancee pa niya nagsabi sayo na ikakasal na sila at pinagbigyan lang niya si Catch sa hiling niya bago sila ikasal?" nagtatakang tanong ni insan.

Para mas malinawan siya ay kinuwento ko sa kanya na kaya lumayas si Catch sa kanila ay dahil nakafix marriage to sa anak ng isang negosyante. Hindi siya sang ayon kaya nagtago siya para hindi mapilit ng mga magulang niya na maipakasal siya sa babaeng hindi naman niya mahal. At panay kasinungalingan lang ang sinabi sa akin nung babaeng haliparot na yun para iwan ko si Catch. Kinuwento ko din na pinahanap ako ni Catch at hanggang ngayon umaasa pa rin siyang makikita ako.

"Shit!" nasabi nalang ni insan matapos ang mahabang paliwanag ko.

"Ibigsabihin totoong minahal ka ni Catch. At dahil wala kayong break up, para sa kanya girlfriend ka pa din niya kaya hanggang ngayon hindi siya nakikipagrelasyon sa iba. Ganon ba insan ha?!"

Bumuntong hininga muna ako bago tumango.

"Insan, kawawa naman pala si Catch. Anong balak mo ngayon?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam insan, hindi ko din alam ang mangyayari pag nakita niya ako ngayon at nalaman na ako ang girlfriend ng bestfriend niya."

"Bakit insan bumalik ba ang nararamdaman mo nung nalaman mo ang totoo?" nakatingin lang ako kay insan at hindi alam ang isasagot.

"Mahal mo pa ba si Catch?" natigilan ako sa tanong ni Kai. Mahal ko pa ba siya? Hindi ako sigurado, ngayon pang nalaman ko na hindi pala talaga niya ako niloko. Hindi ko din alam ang sagot kaya yumuko nalang ako.

"Teka mga ate, sino ba si Catch?" Singit naman ni Mela. Napatingin kami parehas sa kanya.

"Kwento ko nalang sayo mamaya ha. Sa ngayon quiet ka muna." sagot naman ni insan sa kanya.

Natanaw ko sa likod ni Mela ang papalabas na dalawang lalaki sa bahay. Papalapit sila sa amin ngayon.

Tamad na naglalakad si Catch habang hinihila naman siya ni Savvy papunta dito.

Bigla naman akong itinago ni insa sa likod niya. Yumuko ako at hindi alam ang gagawin. Pawis na pawis ang kamay ko kahit mahangin naman.

"Shit papalapit na sila. Jan ka lang Tammy sa likod ko, saka ka lang lumabas pag tinawag ka ni Savvy." ramdam ko din sa boses ni insan na kinakabahan din siya.

Si Mela ay kahit walang alam sa nangyayari ay tumabi kay insan para matabunan ako. Tumalikod ako at nagkunwaring nagcecellphone.

Bawat segundo ang lumipas ay para akong hihimatayin sa kaba. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Alam kong konting konti nalang ay makakalapit na sila sa pwesto namin nila insan.

"Bro nagdala ka pa ng dalawang chix. Magagalit si Hulog nito e. Sorry mga miss taken na kasi ako eh." parang tumigil ang paghinga ko ng marinig ang boses ni Catch.

Bumilis ang tibok ng puso ko, pero alam kong hindi yun dahil sa kaba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang namiss ko bigla ang kapilyuhan niya, ang mapaglaro niyang boses, ang lahat lahat sa kanya.

"Bro hindi ko sila dinala para sayo. They're here for a vacation."

Napamura naman ako sa isip ng magsalita si Savvy.
Diyos ko Lord.. Tulungan nyo naman po ako.
Lupa lamunin mo na ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko ang past at preset boyfriend ko ay magbestfriend.

Grabe naman talaga maglaro ang tadhana.

"By the way this is Kailene or Kai my girlfriend's cousin and Mela her friend."

"Hello nice meeting you." sabay na sabay naman na sagot ng dalawa.

Natawa naman si Catch at tinanong kung kambal ba sila.

"Hindi ah." sabay nanamang sabi ng dalawa kaya mas lalong natawa si Catch.

"Ang by the way, this is my girlfriend." naramdaman ko nalang ang kamay ni Savvy sa balikat ko at dahan dahan akong hinarap kay Catch. "Tamara Fall Ayala or you can call her Tammy."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Catch at halatang halata ang pag kagulat nito nang makita ako.

"Mi, this is my bestfriend Eli Grey Jonson."

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Hi Eli."

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now