5

89 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit komportable akong kasama siya. Na pakiramdam ko, hindi ako mapapano pag nasa malapit ako sa kaniya.

Tinignan ko siya habang nasa may pool ang tingin niya. Magulo pero sexy tignan ang buhok niya. Maputi ang balat niya kaya kitang kita ko ang namumula niyang pisngi, siguro dahil sa tama ng alak. Mapula at maliit ang labi niya. Matangos ang ilong at may malulungkot na mata. Kahit nakadamit siya, alam kong may tinatago din siyang pandesal sa tiyan. Nangiti naman ako ng naisip ko yun.

Humarap siya sa akin. "Why?" tanong niya.

"Nagtataka lang ako, bakit mo ko inayang makipag inuman sayo? Eh mukang hindi ka din naman sanay ng may kausap?"

"I don't like people staring at you, kaya tinabihan kita kanina."

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Halos karamihan ng lalaki gusto kang puntahan at lapitan kanina. Alam ko motibo nila, kaya tinabihan kita at inaya dito." mahabang paliwanag niya. "Saka isa pa, kahit hindi tayo mag usap, masaya na akong kasama ka." sabay ngiti niya sa akin.

Ngumiti nalang din ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Kung ganon, niligtas niya lang ako sa mga manyak dito sa party, ganon ba? Bakit naman niya gagawin yun? Haay ewan.

Tahimik lang siya ulit, habang ako kumakain lang ng pulutan ng inorder ulit niya. Maya maya ay nagring ang cellphone ko.

"Oh insan, balita?" tanong ko sa kabilang linya.

"Innshaan.. Ashan ka?" halatang lasing na ang isang to.

"Punta ka dito sa kubo. Gawing comfort room. Makikita na kita agad pag naglakad ka papunta dito. Bilisan mo at iuuwi na kita."

"Copy inshaan.." kahit kailan talaga ang bilis malasing ng isang to. Nasa pang anim na bote na ng RH ang nainom ko, medyo may tama na ako pero hindi naman lasing.

May narinig kaming malakas na tumatawa, napunta ang tingin namin dun. Si insan akbay akbay ng isang machong lalake, tingin ko modelo din to hindi lang sikat.

"Ayun shi inshan..." sabay turo sa akin. Kitang kita ko kung paano halikan ng lalaki si Kai. At etong kerengkeng ko naman na pinsan, gustong gusto. Lumapit na ako sa kanila.

"Excuse me. Salamat sa pag alalay sa pinsan ko papunta dito. Pero uuwi na kami." kukunin ko na sana si insan sa kaniya pero hinarang niya ang kamay niya.

"Wait lang miss. Ang sabi ng pinsan mo, mag papaalam lang siya sayo pero sakin siya uuwi ngayong gabi." tinaasan ko naman ng kilay ang lalaking kaharap ko.

"No. Sa bahay namin siya uuwi. Lasing lang yan kaya ganyan." akmang kukunin ko ulit si insan ng iharang ulit ng lalaki ang kamay niya.

Nagulat ako ng may umakbay sa akin. Nang tignan ko ay yung lalaking kainuman ko pala. Masama ang tingin niya sa modelong kasama ni insan.

"Leave." kinalibutan ako sa tono ng boses niya. Mahinahon pero nagbabanta.

Nagulat ang modelo at inabot sa akin agad si Kai. Pagkatapos ay bigla nalang itong umalis.

"Salmat ha. Hindi ko alam kung bakit natakot sayo yun. Pero salamat ulit." sabi ko sa lalaking nakaakbay pa rin sa akin hanggang ngayon.

Hawak hawak ko si insan sa braso at nakaakap siya sa akin. Tinampaltampal ko ang mukha niya. "Humanda ka sa akin bukas! Naririnig mo ba ako?!"

"Showi inshan.. Showi.." nakapikit niyang saad.

"Uwi na kami. Salamat ulit."

"Ihahatid ko na kayo." sabi niya.

"Hindi na. May sasakyan naman akong dala." pero hindi siya nakinig at may tinawagan siya sa cellphone.

Tumingin ulit siya sa akin pagkatapos ng tawag. "Yung driver ko ang magmamaneho ng sasakyan mo. Sa sasakyan ko kayo sasakay."

Aangal pa sana ako kaya lang. "I insist." kaya wala na akong nagawa.

***

"Salamat sa paghatid.. Uhm.. Tammy pala." pakilala ko sa kaniya at lahad ng kamay ko. Andito na kami sa tapat ng bahay ko. Pero hindi pa kami bumababa dahil gusto ko magpasalamat ng maayos sa kaniya at syempre magpakilala. Kanina pa kami magkasama pero hanggang ngayon hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't isa.

"Bagay sayo ang pangalan mo." natatawa niyang sabi. "Savvy" sabay abot din niya sa kamay ko. Pero nagtaka ako na cellphone pala ang inabot niya. "If you don't mind."

"Sure." nagets ko naman  na gusto niyang kunin ang number ko. Nilagay ko ang number ko at binalik ang cellphone niya.

Binuhat din niya si Kai na parang pang kasal papasok sa kwarto. Dahil tulog na tulog na talaga ang kerengkeng kong pinsan.

"Buti pala sumama ka. Kundi pahirapan nanaman akong iakyat yan." sabi ko habang inaayos niya sa pag higa si insan.

"Bakit ikaw? Hindi pa lasing?" tanong niya

"Mataas kasi ang alcohol tolerance ko. Pero medyo may tama na din ako kahit papapano." hindi na siya sumagot. "Gusto mo ba muna magkape?"

"Sa susunod nalang. Para makapagpahinga ka na."

Hindi ko na siya pinilit dahil anong oras na din.

Paglabas namin ng bahay ay nakapark na ng maayos ang kotse ko sa garahe. Kinuha ni Savvy ang susi ko at inabot sa akin.

"Salamat ulit Savvy. Manong thank you din po. Mag iingat po kayo." paalam ko din sa driver niya na nag paalam din ng maayos.

"Goodnight Tammy."

"Goodnigth Savvy." at umalis na sila.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now