29

34 1 0
                                    

Pag gising ko ay katabi ko pa din si Savvy. Napatingin siya sa akin ng maramdaman na gising na ako. "Morning, Mi." Yumuko siya para mahalikan ako sa noo.

Napapikit ako at hinintay lumapat ang labi niya sa aking noo. Nang makalayo siya ay ngumiti ako at pinagmasdan ang itsura niya. Gulo gulo ang medyo mahaba niyang buhok na tumatakip ng bahagya sa kanyang mata. Bagay din sa kanya ang reading glass na suot niya. Nakadagdag pa nga ito sa kagwapuhan niya.

Haay ang swerte ko talaga. Sabi ko sa isip at nakangiting binati din siya. "Good morning din Dy."

Tumayo na ako sa kama at sinimulan gawin ang mga ritwal ko sa banyo tuwing umaga.

Kami nalang dalawa ni Savvy sa kwarto. Tinanghali kasi ako ng gising kaya hindi ako nakasama kila insan at Mela magjogging.

Pagkatapos kong magbanyo ay bumalik ako sa kama at niyakap si Savvy. Sinabi niyang tatapusin lang niya ang ginagawa niya saka kami sabay kakain.

May ginagawa kasi siya sa laptop, sinilip ko ang nasa screen at nakitang tungkol iyon sa trabaho. Hindi ko nalang siya inistorbo at tahimik na nahiga sa tabi niya.

Habang nakahiga ay naalala ko naman ang dahilan kung bakit ako napuyat. Kagabi kasi ay hindi kaagad bumalik si Eli dito sa bahay. Hindi ako makatulog dahil nag aalala ako sa kanya. Kaya nung dumating siya ng madaling araw ay gising pa ako.

Pagbukas ng pintuan ay narinig ko agad ang dahan dahan niyang paglakad.

Bumangon ako ng kaonti para makita siya. May hawak siyang bote ng alak sa isa niyang kamay. Gulo gulo ang buhok niya at halatang nakainom siya. Bago siya humiga ay tumingin muna siya sa kama namin ni Savvy.

Nakatalikod sa kanya si Savvy habang nakaakap ito sa akin.

"Tsk." sabi lang niya at inubos ang laman ng bote ng isang tunggaan lang.

Halata mong lasing na siya dahil muntik pa siyang mabuwal ng binaba niya ang boteng wala ng laman sa gilid ng kama. Buti ay napasandal siya sa may cabinet kaya hindi siya napasalampak sa sahig.

Tumingin ulit siya sa gawi namin ni Savvy at iiling iling na nahiga.

Hindi niya ako nakitang nakitingin sa kanya dahil madilim at isang lampshade lang ang nakasindi sa buong kwarto.

Tumalikod siya sa gawi namin. Umayos na din ako ng higa at pinikit na ang mata ko para matulog na din sana. Kaya lang may narinig ako. Dinilat ko ulit ang mata ko at pinakiramdaman kung ano yun. Nadurog naman ang puso ko na mapagtantong impit na paghikbi pala ni Eli ang narinig ko.

Gustong kong takpan ang tenga para hindi na ito marinig. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko at pangingilid ng luha ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Sobra kong nasasaktan si Eli. Wala naman siya ginagawang masama kundi mahalin lang ako. Masama ba akong tao? Nakakasakit ako ng iba kapalit ang kaligayahan ko.

Pero anong gagawin ko? Andito na si Savvy sa buhay ko kaya hindi na kami pwedeng dalawa.

First love ko si Eli at first ko din siya sa lahat. Aminado namang ako sa sarili na may nararamdaman pa ako kay Eli. Pero hindi ko yun gaano nararamdaman pag si Savvy lang ang kasama ko at walang Eli sa paligid.

Lalayo nalang ulit ako para hindi na siya masaktan at para mawala na din ng tuluyan itong nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan ko na talaga siyang makausap ng maayos. Pero paano?

"Hey Mi, are you okay?"

Nabalik naman ako sa reyalidad ng haplusin ni Savvy ang pisngi ko.

"Ha?" nagtataka akong tumingin sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa reaksyon ko.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now