6

94 1 0
                                    

Tanghali na kami nagising ni insan. Buti nalang linggo at sarado ang studio.

Nakadukdok siya sa lamesa habang hawak hawak ang kape niya.

"Ayoko ng uminom. Huhuhu Ang sakit ng ulo ko." pagrereklamo niya.

"Sinabi mo na din yan dati." sagot ko naman habang busy ako sa pag iisip kung ano ang oorderin kong tanghalian namin. Hindi kami marunong magluto ni Kai. Kaya panay take out o delivery lang ang pagkain namin pag asa bahay. Pag asa studio naman sa canteen ni Aling Bebang kami kumakain.

"Ayoko na din sa lalaki. Bakit katawan ko lang ang habol nila? Boyfriend ang hanap ko, hindi pang one night stand ang beauty ko." napatingin siya sa akin pagkatapos sabihin yun.

"Ikaw naman nagkamali ka lang ng pinagbigyan ng perlas mo. Pero deserve mo pa din mahalin ng totoo. Kaya wag mo isipin na wala ka ng maipagmamalaki sa magiging asawa mo sa future, kasi kung mahal ka talaga ng isang tao wala na sa kanya yun. Kaya huwag ka matakot magmahal ulit."

"Ang dami mo ng sinabi. Huwag mo nalang nga ipaalala. Nalulungkot nanaman ako eh." sabi ko at tumayo para sana pumunta sa banyo.

"Hoy! Hoy! Hoy! Tammy Fall Ayala! Bumalik ka dito! Magmumokmok ka nanaman sa banyo." sabay hila ni Kai sa akin pabalik ng upuan. Yumuko nalang ako pag kaupo ko.

Ang tanga tanga ko naman kasi. Bakit ba naniwala ako sa lahat ng sinasabi ng lalaking yun noon. Bagay na bagay talaga yung pangalan ko sa akin. Fall.. Madaling mahulog..

"Ibahin ko na nga lang yung topic. So, sino pala yung kainuman mo kagabi? Hindi ko na maalala ang itsura pero alam ko gwapo yun eh.. Kwento ka naman."

Huminga muna ako ng malalim. Kinalimutan ko muna ang lalaking nanakit sa akin. At masaya kong kinwento kay Kai si Savvy.

Pagkatapos kong magkwento ay tila napaisip si Kai. "Hmm.. Pinahiram ka ng jacket niya, masaya siyang kasama ka kahit hindi kayo gaanong nag uusap, hinatid tayo pauwi, at kinuha ang number mo." napatingin siya sa akin at biglang sumigaw. "Ahhhh... May gusto siya sayo insan!!! Oh my G! Magkakalovelife ka na ulit."

"Pwede ba, tumigil ka nga. Paano kung makikipag kaibigan lang siya, kaya niya kinuha ang number ko at mabait lang talaga siya kaya niya ginawa yung mga yun kagabi." ayoko mag assume noh. Mahirap na, baka maloko nanaman ako.

"Ikaw talaga! Napakanega mo! Bahala ka! 27 ka na ha! Mas matanda ka sa akin! Baka maunahan pa kitang magkapamilya! Or worst tumanda kang dalaga at ikaw gagawin kong taga pag alaga ng mga anak ko!"

"Berat! Wala magkakamaling pumatol sayo noh! Saka wala kang matris! Kaya magtigil ka!" pasigaw kong sabi sabay takbo sa kwarto ko.

Flat chested kasi si Kai, kaya lage siyang naasar pag tinatawag kong beki. Naooffend kasi totoo..

"Tandaan mo! Pag yumaman ako! Magpapalagay ako ng boobs na mas malaki pa kesa sayo. Tse!" Sigaw niya sa labas ng kwarto ko.

Tawa lang ako ng tawa habang nakaupo sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko para mag padeliver na ng tanghalian namin ni insan.

May isa akong message kaya inopen ko muna yun bago ako tumawag.

Fr: Unknown number
Good morning.
             - savvy

Napangiti naman ako ang nagtipa ng reply sa kaniya. Sinave ko na din ang number niya sa cellphone ko.

To: Savvy
Good afternoon. Kagigising ko lang. Hehe.. Aga mo nagising. Parang walang hang over ah?

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now