18

71 1 0
                                    

"Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis eh. Babalik ka din." yan agad ang bungad niya sa akin pagkalapit niya.

"Wag mo ako simulan Mister. Dali na kwento ka na." sabi ko at inilapag ang mga binili ko sa kubo sa labas ng bahay nila. Sinabi ko na dito na kami uminom sa labas.

"Eto na ba yung tinatawag nilang getting to know each other stage?" hay. Mukhang mali ang pag punta ko dito ah.

"Huwag kang mag isip ng kung ano. Kasi andito lang ako para tuparin yung sinabi ko."

"Bakit ba kasi mag isa ka lang jan sa malaking bahay nyo?" tanong ko para masimulan na niya magkwento.

"Lumayas kasi ako sa amin. Kinuntyaba ko lang yung caretaker ng bahay bakasyunan namin na to na pag tumawag pamilya ko sa kanya. Sabihin na wala ako dito."

"Ilang araw ka ng lumayas sa inyo?"

"Dalawang buwan na. Galing ko noh. Di nila ako mahanap." sabi niya sabay ngiti na parang bata.

"Bakit, hinahanap ka ba kasi?"

"Sakit mo naman magsalita. Aso nga kapag nawala hinahanap. Ako pa kayang tao na ubod na gwapo." humawak pa siya sa dibdib na parang na offend nga talaga siya sa sinabi ko.

"Tao ka lang. Hindi gwapo." walang gana kong sabi.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now