10

88 1 0
                                    

Kitang kita ko ang pagkunot ng nuo niya.

Shit shit shit! Napapamura nalang ako sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

Hindi siya nagsasalita nakakunot lang ang nuo niyang nakatingin sa akin. Napayuko ako sa reaksyon niya. Nangingilid na ang luha ko. Tama nga si Mama, dapat sa mapapangasawa ko lang iyon dapat ibigay. Kundi mahihirapan akong makahanap ng lalaking seseryoso sa akin.

"Ano naman? Ako nga hindi na din virgin." napaangat ako ng magsalita siya.

Nakangiti siya sa akin. Yung ngiting sinasabing, wala akong dapat ikatakot.

Inangat niya ang dalawang kamay niya at hinawakan ang muka ko.

Pinunasan niya pala ang magkabilang gilid ng mata ko. "Don't cry. Hindi naman big deal sa akin yun. Hindi yun ang habol ko sayo. Seryoso ako sayo Tammy. At tanggap ko kung ano man ang nakaraan mo."

Kitang kita kong sincere siya sa sinabi niya. Mas lalo akong naiyak. Natawa lang siya at hinila ako papalapit sa kanya para yakapin.

"Hindi mo kasalanan kung sa maling tao mo naibigay yun. Ang mahalaga sa tamang tao mo ibibigay ang puso mo."

Iba ang inaasahan ko na magiging reaksyon niya. Hindi ganito. Mas lalo akong humanga sa kaniya. Mas lalo ko siyang nagugustuhan.

"Sino kaya yung tamang taong yun?" tanong ko habang nakasubsob pa din ako sa dibdib niya at yakap yakap pa din niya ako.

"I don't know. Hopefully it's me."

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "I really like you Tammy. Sana mapaibig na din kita."

"Nagmamadali ka naman, dalawang linggo ka palang nangliligaw noh."

"Pero yung ibang babae ngitian ko lang kami na agad." pagyayabang niya. Hinampas ko siya ng malakas sa dibdib kaya napangisi lalo siya.

"Yabang ha! Ibahin mo ko sa mga naging babae mo ha. Iba ang pagpapalaki sa akin ng mama ko. Talagang nagkamali lang ako dati." nalungkot nanaman ako bigla. Kung nakinig lang ako sa mama ko, sana wala akong pinag sisisihan ngayon.

"Ang dami na palang nagkakamali sa akin kung ganon?" tinignan ko siya at hinampas ng unan. Tawa naman siya ng tawa habang sinasangga ang paghampas ko.

"Ang baboy mo ha! Sa lahat ng nangligaw sa akin, ikaw lang ang pinakaproud magkwento ng ganyan. Wala na turn off n ako sayo." biro ko sa kanya.

Pero alam ko namang dinadivert lang niya ang usapan para hindi na ako malungkot. At nagtatagumpay naman siya dahil nawawala sa isip ko ang katangahang nagawa ko pag idadaan lang niya sa biro ang topic na yun.

Nag usap lang kami ng kung ano ano o mas sabihin kong ako lang ang mas nagkwekwento. Magbibigay lang siya ng maiksing comment o magtatanong ng gusto niya malaman.

Pag ako naman ang nagtatanong sasabihin niya, sagutin ko muna siya bago siya magkwento ng about sa buhay niya.

Ang daya di ba. So ako nalang ang nagkwekwento ng kung ano ano. Ayoko pa kasi siyang sagutin sa ngayon. Masyado pang mabilis. Ayokong magpadalos dalos nanaman sa desisyon. Dahil pag sinagot ko siya gusto kong pang matagalan na. Kaya pahihirapan ko muna siya.

****

"Savvy tumigil ka hinihingal na ako kakatawa."

"I don't care. Nag yes ka na kanina di ba? Dapat panindigan mo yun." sabi niya at kiniliti nanaman ako sa tagiliran.

"Hahahaha! Kanina yun, ngayon nagbago na ang isip ko." tumatawang sabi ko habang pinipilit kong alising ang kamay niya sa tagiliran ko.

Kikilitiin sana niya ulit ako ng may narinig kaming nagsalita.

"Oh my G! Hindi pa kayo tapos sa loving loving nyo? 4 hours na akong nawala ah? Harutan pa din hanggang ngayon?"

Nadatnan kami ni Kai sa sofa. Nakahiga ako habang si Savvy naman nakaupo sa gilid at kinikiliti ako. Lumabas kasi ang pagiging makulit niya ngayon at kinukuha yung kiss na naudlot kanina.

Pumayag naman daw ako kanina. Ngayon na daw niya itutuloy. Kinikiliti niya ako sa tagiliran dahil wala daw akong isang salita.

"Eto kasing si Savvy. May kakulitan din palang tinatago." bumangon na ako sa pagkahiga. Inabutan naman niya ako ng tubig dahil hinihingal ako kakatawa.

"Wala ka kasing isang salita. Dapat ibigay mo yun." nakangising sagot naman ni Savvy.

"Teka teka nga." awat ni insan sa amin. "Ano ba kasi yung pinag uusapan nyo. Ano ba yung kinukuha mo fafa Savvy kay insan? At insan ano ba yung ibibigay mo kay fafa Savvy?" palipat lipat kaming tinignan ni Kai.

"Wala." sagot ko.

"Meron." sagot naman ni Savvy.

"Wala sabi." medyo pagalit kong sabi

"Meron nga sabi." tinigan ko lang siya ng masama nung sumagot siya ulit. dala ba ng alak at ang kulit ni Savvy ngayon.

"Hep hep hep! Wait lang bago nanaman kayo magtalo." awat ni Kai at tumingin sa akin. "Insan, alam ko may ugaling pagkamadamot ka talaga eh.." tinaasan ko naman ng kilay si Kai sa sinabi niya.

"You're right." pagsang ayon naman ni Savvy. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kaya naman, kung ano man ang hinihingi o kinukuha ni fafa Savvy ibigay mo na. Share your blessings." tinignan ko ng mabuti si Kai. Lasing nga ang isang to. Kung ano ano na ang sinasabi eh.

"Oo nga, oo nga." sagot naman ni Savvy at nag apir pa ang dalawa. nasapo ko namang ang noo. Sumasakit ulo ko sa dalawang to. Ang hirap talagang makipagusap sa lasing.

Si Savvy kasi ang halos umubos ng alak. Huminto na akong uminom nung umiyak ako kanina. Kaya siya nalang ang nag inom mag isa. Ako naman kinukwentuhan lang siya.

"Tingin mo Kailene, dapat ko na bang kunin yung kinukuha ko sa kanya?" tanong ni Savvy kay Kai.

"Ge, kunin mo na. Ako ang bahala sayo. Pag ayaw ibigay kunin mo ng sapilitan. Sige matutulog na ako. Goodnight." umakyat na si insan sa kwarto niya.

"Narinig mo yun Tammy?" dahan dahang lumalapit si Savvy sa akin na may pilyong ngiti sa labi. Ako naman ay paatras ng paatras. Hanggan sa tumama na ang likod ko sa pader.

Nilagay niya ang magkabilang kamay niya sa gili ko. "Sabi ng pinsan mo kunin ko daw ng sapilitan."

Shit ang gwapo talaga kahit lasing. Sabi ng maharot kong isipan. Nakatingin ako sa labi niya ng dahan dahan niya inilalapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko siya magawang itulak. Sobrang lakas nanaman ng tibok ng puso ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko at damang dama ko ang lakas ng tibok nito.

Napapikit ako at hinintay maglapat ang labi niya sa labi ko. Pero ilang segundo na akong nakapikit hindi ko pa din maramdaman ang labi niya.

Napadilat ako at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Imbes na sa labi, sa kamay kong nakahawak sa dibdib ang hinalikan niya.

"Mangliligaw mo palang ako. Dapat sa kamay lang muna, tama?"

Nakakainis naman. Bitin.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now