19

67 1 0
                                    

"Catch?" pag uulit kong tanong sa pangalan niya.

"Oo, Catch itawag mo sa akin. Para sakaling may sasalo sayo kung mahuhulog ka sa akin, Hulog."

"Ewan ko sayo."

Hindi ko sinabi ang totoong pangalan ko sa kanya dahil isa pa rin naman siyang estranghero para sa akin. Pero ganon din naman ang ginawa niya, hindi din niya sinabi ang totoo niyang pangalan. Kaya patas lang kami.

Masaya kakwentuhan si Catch. Kahit na may pagkapilyo at kayabangan siya kung minsan. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa unti unti ng sumikat ang araw.

"Ang ganda.. Ngayon lang ako nakakita ng sunrise sa beach." namamangha kong sabi.

"Huh? Di ba taga dito ka? Bakit ngayon ka lang nakakita niyan?"

"Wala naman akong sinabi na taga dito ako noh. Nagbabakasyon lang. Uuwi na din ako bukas." sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa papataas na araw sa dagat.

"Stay."

"Ha?" saka lang ako napatingin sa kanya. Nakita ko siyang parang natauhan sa sinabi niya nung lumingon ako.

"I mean. Tutal nagbabakasyon ka naman di ba? Bakit hindi mo iextend ang pag stay mo dito. Kahit mga ilang araw pa."

"At bakit ko naman gagawin yun?" nakataas kilay kong tanong sa kanya. Ngumisi naman siya sa reaksyon ko.

"So you can get to know me better. Para makita mo palit ang kagwapuhan ko." confident niyang sagot at kumindat pa sa akin. Nailing nalang ako sa kayabangan niya.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now