11

93 1 0
                                    

Lunes ng tanghali may dumating kaming bisita ni Kai dito sa studio.

"Ate Tammy, sige na tulungan mo na ako. Nagmamakaawa ako." pagsusumamo ng kapit bahay naming si Mela.

Nagkasakit kasi ang tatay niya. Naoperahan ito at halos lahat ng ipon ng magulang niya ay naipangbayad sa ospital. Sa ngayon ay nakauwi na ito sa bahay at dun na nagpapagaling. Kaya lang ang mamahal naman ng mga gamot na nireseta dito. Kaya nakiusap muna ang nanay ni Mela na kung pwedeng wag munang siyang mag enroll sa susunod na pasukan. Buti bakasyon na kaya wala silang gastusin ngayon sa iskwela ni Mela. Pero si Mela ayaw huminto ng pag aaral. Kaya naisipan niyan gumawa ng paraan para magkapera.

"Sige na insan, kawawa naman si Mela. Alam mo ang pakiramdam ng maghihinto sa pag aaral." nangongonsensyang sabi ni insan.

"Bakit ako? Photographer ako hindi modelo."

Isa kasing designer si Mela. Pero ang negosyo niya ay sa bahay lang. Pinopost lang niya sa internet ang mga damit na natatahi niya.

Kaya lang karamihan ngayon ng namimili ay gustong sinusuot at minomodelo ang damit kesa sa nakasabit lang sa hanger na pipicturan.

Pagpumatok daw ang naisip niya, mas maraming oorder sa kanya at makakaipon siya ng pang tuition fee niya sa susunod na pasukan.

"Bakit nga ako, pwede namang ikaw nalang Mela ang mag modelo ng mga damit mo o kaya tong pinsan ko. Wag nalang ako Mela."

"Sa totoo lang po. Hindi lang ikaw ate Tammy ang papakiusapan kong mag model ng mga damit ko."

"Sino?" nagtataka kong tanong.

Hindi siya sumagot at nahihiyang ngumiti sa akin. Tumingin naman siya kay insan na malawak din ang ngiti.

Sabi na nga ba, may kinalaman nanaman ang pinsan ko dito eh.

****

So ang ending....

Napapayag din akong maging modelo niya sa mga tatahiin niyang damit

At...

Napapayag din niya akong kumbinsihin si Savvy maging partner ko sa picture.

Bukod kasi sa mga natahi niyang damit pambabae. Naisipan din niya gumawa ng couple shirt, dahil napansin daw niya na yun yung uso ngayon. At mas effective daw pag gwapo at maganda ang magsusuot.

Nabola pa ako pero alam kong totoo naman ang sinasabi niya. Hehehe

Kaya eto ako ngayon. Pinipilit si Savvy na mag model din kasama ko.

"No." pang tatlong ulit na niyang sagot.

"Hindi ako model."

"Ako din naman eh. Tuturuan naman tayo ni Kai, saka susuutin lang yung damit tapos picture. Hindi na kailngan ng kung anong pose o effort. Sige na Savvy."

"Ayaw."

Hay! Mas mahirap pa pala pilitin ang isang to eh. Kanina ko pa siya pinipilit. Nakakainis nga si Mela, natatakot daw siya kay Savvy dahil suplado daw ito. Kaya ako pa din ang pinakiusapan niya magsabi kay Savvy. Kaya lang hindi ko naman alam na napakahirap naman palang pilitin ng isang to.

"Magkaano ba ang kailngan niya? Bibigyan ko nalang siya ng pera." eto nanaman ang kayabangan niya eh. isa pa sa solusyon niya para hindi ko na siya piliting mag model ay bigyan nalang daw niya ng pera si Mela.

"Hindi nga pwedeng tustusan mo ang pag aaral niya Mela. Nagsusumikap yung bata oh. Ayaw niyang nanglilimos ng pera."

Sinabi ko na din kasi kay Mela yan. Sabi ko papahiraman ko nalang siya ng pera. Bayaran nalang niya pakontikonti. Pero masyadong mapride ang batang yun na naiintindihan ko naman. Gusto niya daw tumayo sa sariling niyang paa at tumulong sa mga magulang niya. Nabilib ako sa sagot niya kaya pumayag na din ako imodel ang mga damit niya.

Kaya lang, etong isang to ay masyadong maarte. "Savvy please? Kahit para sa akin nalang. Ilang araw lang naman yun eh. Saka kung busy ka. Kami mag aadjust sa schedule mo. Promise hindi makakaabala sa mga lakad mo. Please Savvy?"

Binigay ko na ang pinaka the best na puppy eyes na kaya ko. At hinawakan pa ang mauubok niyang muscle sa braso. Nakatitig siya sa akin, at sa kamay kong nakahawak sa braso nyo.

Nakita ko siyang ngumiti at sinabing. "Cute." Kaya nabuhayan ako ng loob.

"So? Payag ka na?" nakangiti kong sabi at mas ginalingan pa ang pag papacute.

Huminga siya ng malalim. Hinintay ko ang sagot niya.

"Ayaw pa din." napasimangot naman ako sa sagot niya at binitawan ang braso niya.

"Bakit ba kasi ayaw mo?" naiirita na ako.

"Because I'm not comfortable doing that."

"Okay. Bahala ka." Suko na ako.

Napansin niya ang himig ng pagtatampo sa boses ko. Dahil kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Sorry. Iba nalang hilingin mo. Please?"

Hindi ko siya sinagot. Sinabi ko nalang na pagod na ako at gusto ko ng magpahinga. Wala na siyang nagawa kaya umuwi nalang siya.

Hindi ko din sinagot ang tawag niya. Kaya nagtext nalang siya na babawi siya sa akin.

Natulog nalang ako at hindi na siya nireplyan.

****

Kinabukasan ay hindi niya ako nasundo. Nagtext lang siyang may aasikasuhin daw siya at ilang araw siyang mawawala. Hindi ko pa din sinasagot ang tawag niya, kaya text lang ang ginagawa niya kung may gusto siyang sabihin sa akin.

Napansin din ni insan ang pagiging matamlay ko, kaya hindi niya ako mabiro biro. Ayoko din naman magkwento. Dahil baka maiyak lang ako.

Pero isang araw nung lunch break na namin ay tinanong niya ako kung ano ang problema. Wala na akong nagawa kundi maglabas ng saloobin ko.

"Bakit ganon insan, ang hina hina ko naman masyado sa kaniya. Lahat naman na ng pakiusap ginawa ko. Yung mga puppy eyes at pagpapacute na tinuro mo sinunod ko naman lahat. Kaya lang wala pa din epek sa kaniya. Ano ba naman ang mahirap dun sa gagawin niya? Susuotin lang naman ang damit, tapos pipicturan. Alam na alam naman niya kung paano dahil boss siya sa isang modeling company. Tapos nagtext siya ngayon na hindi nanaman daw siya makakapunta sa bahay mamaya. Pangalawang araw na siyang hindi nagpupunta sa bahay. Ang sama sama ng loob ko insan. " tuloy tuloy kong labas ng saloobin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiiyak na ako.

Nung hindi kumibo si Kai ay tinignan ko siya. Nakangiti siya.

"Anong ningingiti ngiti mo jan." nakasimangot kong tanong.

"Inlove ka na." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha?"

"Ang sabi ko, inlove ka na kay fafa Savvy." pag uulit ni insan.

"Hindi ka naman nagkakaganyan dahil hindi ka niya pinagbigyan. Kaya ka nagkakaganyan kasi namimiss mo siya."

"Hindi ko siya namimiss. Naiinis lang ako dahil hindi manlang niya matulungan si Mela."

"Ge deny pa more. At kaya ka nasasaktan ngayon dahil hindi ka makapgdemand ng oras sa kanya kasi HINDI KA NAMAN NIYA GIRLFRIEND. Kaya kahit busy siya, wala kang magagawa kasi hindi pa naman ikaw ang priority niya. Kasi nga HINDI KA NAMAN NIYA GIRLFRIEND." sige ipagdiinan pa talaga niya na hindi ako girlfriend ni Savvy.

Nakayuko lang ako at hindi kumikibo. Tama siguro si insan. Namimiss ko lang si Savvy. Inlove na ba talaga ako sa kanya?

"Sagutin mo na kasi, higit isang buwan ka na din pinagtyatyagaan nung tao. Bahala ka, baka matuhan yun at maakit ng iba. Wala ka namang habol kasi nga, DI KA NAMAN NIYA GIRL-"

"Oo na! Oo na! Hindi pa nga niya ako girlfriend. Tama na wag na paulit ulit."

Natawa nalang si insan sa reaksyong ko at naglakad paalis habang kumakanta ng.. "Oh tukso layuan mo si Savvy."

Inirapan ko nalang siya at kinuha ang cellphone ko.

Itetext ko kaya siya?

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now