13

86 1 0
                                    

Alam kong mahal ko na si Savvy. Hindi pa man buo sa ngayon dahil bihag pa din ng nakaraan ang ibang bahagi ng puso ko. Pero alam ko balang araw maibibigay ko din sa kanya ng buong buo ang puso ko. Sa kulang dalawang buwan niyang pangliligaw sa akin, pinaramdam niya kung gaano ako kaespesyal.

Kuntento na ako sa pagiging madalang niyang magsalita. Komportable ako kahit magkatabi lang kami. At masaya ako pag kasama ko siya.

Pagkadating ko sa restaurant ay may sumalubong agad sa akin para ihatid ako kung asan man si Savvy.

Maganda ang restaurant at halatang may kaya talaga sa buhay ang kumakain dito. Buti at bumagay naman ang suot ko. Salamat talaga kay Mela.

Nung nakaakyat na kami sa taas ng restaurant ay nakita ko na agad siya.

Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa at seryosong nakatingin sa akin. Mas lalo akong namangha sa kapogian niya dahil sa ayos niya ngayon. Nakaayos ang magulo niyang buhok at hindi din siya mukang suplado ngayon. Halatang nag ayos talaga siya para sa dinner date namin.

[AN: Nasa taas po yung picture ng suot ni Savvy.]

Namula naman ako ng hinagod niya ako ng tingin ulo hanggang paa. Kitang kita ko pa ang paglunok niya at pagkagat ng labi.

Nung nakalapit na ako sa kaniya ay nagtitigan muna kami. Kitang kita ko ang pag pigil niya ng sobrang ngiti bago niya ako hatakin para sa isang mahigpit ng yakap.

"Ang swerte ko talaga pag napa sa akin ka na." bulong niya sa tenga ko.

Natawa naman ako at niyakap din siya ng mahigpit. "Namiss din kita." sagot ko sa naman.

Nung humiwalay na siya ng yakap ay kinuha naman niya ang kamay ko at hinalikan. "Namiss ko halikan to, pero mas okay sana kung dun." nguso niya sa labi ko.

Namula ako sa kilig. At ramdam ko ang mga paro paro sa tyan ko. Kung pwede lang. Gusto ko din siya halikan sa labi. Pero kailangan ko muna mag pigil. May tamang oras para jan.

"Siya nga pala. Para sayo." binigay niya sa aking ang isang bouqet ng white roses at maliit na cute teddy bear na may nakasulat sa tiyan na press me.

Pinindot ko yun at tumunog ang bear.
"Mommy, kiss Daddy."

Natawa ako. Ang cute... "Hindi pa nga kita sinasagot tapos may anak na agad tayo?"

"Pwede mo namang sagutin na ako para totoong bata na gawin natin."

"Napakahalay mo anak agad?" ngumisi lang siya at pinag hila na ako ng upuan.

****

"Alam mo sa lahat ng date na nakita ko, eto na ata ang may pinaka maraming pagkain." naloka kasi ako nung nilabas na ng mga waiter ang kakainin namin. Hindi kinaya ng isang lamesa. Kaya humatak pa ng isang lamesa para mailagay lahat ng pagkain.

Napansin kong mga paborito ko ang mga inorder niya. Kabisado na talaga niya ang gusto ko.

"Bakit ang dami mong inorder?"

"Alam ko kasi capacity ng tiyan mo." natatawa niyang sabi at pinaghimay ako ng steak.

Tumingin ako sa paligid at napansin na kami lang ang kumakain. "Savvy napansin mo ba, tayo lang ang customer nila?"

"I rented the place." walang gana niyang sabi habang naghihimay pa din ng steak ko.

"Eh paano pala pag hindi ako sumipot. Edi sayang lahat to."

"Nah.. I know you'll come." sabi niya at nilagay sa harap ko ang steak na hiwa na.

Habang kumakain ay nagpasalamat ako sa ginawa niyang pagtulong kay Mela. Hindi naman daw niya gagawin yung kung hindi ako nagtampo sa kaniya. Tapos hindi ko pa daw sinasagot ang tawag niya. Kaya kahit ayaw niya kausapin yung baklang kaibigan niya, ginawa pa din niya para daw hindi na ako magalit.

"Bakit ayaw mo naman kausapin? Eh kaibigan mo naman yun di ba?"

"Yah, but we're not that close." tamad niyang sagot. "Saka ang weird lang niya tumingin." dagdag pa niya.

"Paanong weird?" pero pinag kibit balikat lang niya iyonh tanong ko at nagpatuloy lang siya sa pag lalagay ng pagkain sa plato ko.

Dahil paborito ko ang pagkain at sobrang sarap ng luto. Naubos namin ang inorder niya. Pinag take out din namin ng pagkain ang magaling kong pinsan na kanina pa text ng text sa akin at tinatanong kung ano ng ganap.

Pagkatapos kumain, lumabas kami ng veranda at doon uminom ng wine. "Ang ganda ng view." sabi ko. Mataas kasi ang pwesto nitong restaurant na to kaya tanaw na tanaw ang buong syudad.

Napansin kong hindi siya kumikibo kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatitig lang pala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"I love you Tammy." biglang sabi niya. Nanglaki ang mata ko at namula ang pisngi ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Wala na ang dating lungkot sa kanyang mga mata, kita nalang dun ang pag mamahal niya habang nakatitig sa akin. 

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. "Handa akong maghintay na mahalin mo din ako."

Eto na. Eto na ang tamang oras para sabihin ko din sa kanya ang nararamdaman ko. Sigurado na ako sa nararamdaman ko at alam kong hindi ko pagsisisihan ang magiging desisyon ko. Dahil mahal ko siya. Hindi pa sobrang lalim, pero alam ko darating din ako sa puntong yun..

"Huwag ka na maghintay." sabi ko sa kanya. Halata kong naguluhan siya sa sinabi ko.

"Dahil mahal na din kita, Savvy." ang kaninang naguguluhan itsura niya ay napalitan bigla ng pagkagulat.

"Really?" hindi pa din niya makapaniwalang tanong.

"Oo nga mahal na din kita." hindi ko mapigilan ang sobrang pag ngiti ko.

"Shit shit shit!" nakangiting sabi niya habang nakahawak sa batok niya. Bigla siyang tumingin sa akin na may malawak na ngiti. "Can I kiss your lips now?"

"Hindi mo na kailngang mag paala-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko na bigla niya akong hatakin sa batok at halikan sa labi.

Damang dama ko ang bilis ng pintig ng puso ko at mga nagcecelebrate na paro paro sa tyan ko.

Mapusok at sabik na sabik ang halik niya na tinugon ko naman.

Hingal na hingal kami pareho ng maghiwalay ang aming mga labi.

"Thank you. Hindi na kita papakawalan." bigla nanaman niya ako hinalikan pagkatapos niyang sabihin yun.

****

Andito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya na nakaparada sa labas ng bahay ko. Hindi pa ako bumababa kasi... Naghahalikan pa kami. Simula ng sinagot ko siya hindi na niya tinantanan ang labi ko.

Nung maghiwalay ang mga labi namin. Nakangiti lang kaming nakatingin sa isa't isa.

"Hindi ako makapaniwalang akin ka na."

"Sayong sayo lang ako Savvy. Sayong sayo lang."

"I love you Tammy."

"I love you too, Savvy."

At muling naglapat ang aming mga labi.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now