35

4 1 0
                                    

Nakasakay na kami sa yate na pag aari ni Madam A. papunta sa kabilang isla.

Dito na din kami maghahapunan. Pero kahit masasarap ang pagkain na pinahain ni Madam A. Ay wala pa din akong ganang kumain.

Napansin yun ni Savvy, pero sinabi ko nalang na busog pa ako. Kahit hindi siya mukang kumbinsido ay hinayaan na muna niya akong lumabas para magpahangin.

Kaya ang ending, mag isa akong nagmumuni muni dito sa labas. Inaalala ang mga nangyari kanina.

"Akala ko sinabi mo lang na mahal mo ako nung nasa Boracay pa tayo para lang kahit papaano sumaya ako.. Kahit alam kong hindi totoo, pinaniwala ko pa din ang sarili ko na baka nga mahal mo pa ako. Pero... Pero habang tumatagal, tuwing nakikita ko kayo ni Savvy. Nakikita ko kung paano mo siya tignan. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na tigilan ko na ang ilusyon na to, na wala naman talaga akong puwang sa puso mo." huminto siya at tinignan ako. "Sabi ko sayo dati, titigil na ako. Na hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo.. Pero mahirap.. Ngayon sobrang saya ko at hindi na ilusyon to. Totoong may puwang pa din pala ako sa puso mo. Mahal na mahal kita Hulog at pinapangako kong hindi ako manggugulo sa inyo ni Savvy. Makukuntento ako sa kung ano lang ang kaya mong ibigay sa akin. Sa atensyon mo, sa oras mo, at sa pagmamahal mo... Wag mo lang sana ipagkait ang pag mamahal mo sa akin. Mahal na mahal kita Babe.. "

Napapikit ako habang inaalala ang mga sinabi ni Eli kanina nung pabalik na kami. Masayang masaya siya at dama ko ang pag mamahal niya sa tingin, haplos at halik niya kanina..

Para din nag diriwang ang puso ko ng makitang napasaya ko siya. Pero tama ba to?

Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng pagmamahal ko na to para kay Eli.

Sabi naman niya, kung gugustuhin ko ng umayaw. Papakawalan niya ako. Kaya hahayaan ko nalang muna kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw.

"Lalim naman ng iniisip mo."

Napatingin ako sa nagsalita. Inabot sa akin ni Eli ang isang bote ng alak na hawak niya. Kinuha ko yun at uminom agad.

Umupo siya sa tabi ko at sabay kaming tumingin sa malawak na karagatan..

"Ang behave ng dagat noh..."

"Oo nga.. Pero ang kamay mo hindi. Bitawan mo ko Eli, baka may makakita." mataray kong sabi sa kanya. Ngumisi lang siya at hindi pa din binitawan ang kamay ko.

Tinaas ko ang kilay ko at tinignan siya ng masama. Natawa to at pinisil muna ang kamay ko bago ito bitawan.

"Ang sungit naman ng Babe ko.. Meron ka noh?"

"Eli.." pagbabanta ko. Ayokong may makarinig sa kanya na tinatawag akong ganon.

"Wag ka mag alala Hulog.. Wala namang tao. Chineck ko.. Andun sila lahat sa loob, nagkakagulo kaya walang pupunta dito."

"Nagkakagulo?" bigla akong napatayo dahil naisip ko si Savvy. Pero hinawakan ako ni Eli at pinaupo ulit.

"Relax ka nga lang.. Si Kristal at Amy nag away kasi.. Natapunan ni Kristal si Amy ng wine, pero alam mo naman si Amy hindi basta basta papalagpasin yun. Lalo na at paborito daw niyang damit ang natapunan ng wine. Nagkasagutan sila hanggang sa muntik ng magkasabunutan. Naawat naman. Kinakausap sila ngayon ni Madam A. at Savvy. Kasi may shoot pa naman silang gagawin bukas na magkasama. So ayun.. Pinag aayos sila."

Parehas kasi ugali kaya siguro walang nagpatalo. Sayang lang at hindi na tuloy na magsabunutan. Tsk!

"Eh bakit andito ka, di ba dapat andun ka sumosoprta sa girlfriend mo?!" inirapan ko siya dahil nakangiti siyang pang asar sa akin.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now