40

11 1 0
                                    

Nakaupo na kaming tatlo sa kwarto sa hotel kung saan kami nakacheck in ni Savvy.

Dumating si insan, dahil nag aalala daw siya sa pwedeng mangyari. Siya daw ang kinulit ni Eli kaya nalaman nito kung asan kami nagpunta ni Savvy.

"Ngayong medyo kalmado na kayo. Pwede na kayong mag usap. Andito lang ako referree ninyo. Incase lang.. " sabi ni insan.. Mukang pinapalight lang niya ang mood naming tatlo.

Nakaupo ako sa tabi ni Kailene habang katapat naman namin si Eli na nakatingin lang sa akin. Si Savvy naman ay nakatayo sa malapit sa bintana habang umiinom ng alak.

"Savvy,.." nanginginig ang boses ko, parang nahihirapan ako mag salita.

Tumigil ito sa dapat pag lagok ng alak sa bote at tumingin sa akin. "So..sorry.." halos pabulong kong sabi pero alam kong narinig niya ito dahil napalunok siya at nag iba ang awra ng muka niya.

Bumuhos nanaman ang luha sa mata ko. Kahit hirap mag salita dahil umiiyak pa ako ay pinilit kong mag paliwanag kay Savvy.

"Bago ka dumanting, nakakulong ako sa pag aakalang, niloko ako ni Eli.. Hindi ko pinansin ang ibang gustong manligaw sa akin dahil alam kong hindi ko din sila mamahalin dahil binigay ko na kay Eli ang puso ko." huminto ako ng pabagsak na binaba ni Savvy ang bote sa lamesa.

Napalunok ako ng marahas ulit itong nagbukas ng isa pang bote. "Pero nakilala kita, pinaramdam mo sa akin na pwede pa ulit ako magmahal at minahal din kita. Hindi ko alam na magkaibigan pala kayo ni Eli. At nung nalaman ko, wala akong lakas ng loob sabihin sayo ang nakaraan namin, lalo pa't nalaman ko ang totoo tungkol sa kanila ni Amy."

Hinahagod lang ni insan ang likod ko dahil patuloy pa din ako sa pag iyak habang nagsasalita. Nakita kong nilapag ni Savvy ang isang basong tubig sa harap ko. Saka ito bumalik sa pwesto niya kanina sa tabi ng bintana. Malayo ang tingin at mukang malalim ang iniisip. Napatingin ako kay Eli na blanko ang itsura. Seryoso lang itong nakatingin at nakikinig sa akin. Uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy.

"Alam ni Amy na ako si Hulog. Kaya para manahimik siya at hindi sabihin sayo, napilitan si Eli na makipagrelasyon sa kanya."

Tumikhim si Eli, alam kong siya na dapat ang magpaliwanag ng susunod, kaya tumahimik na ako. "Nag usap na kami ni Tammy bago ang shoot. Nagkapaliwanagan na kami na tapos na ang lahat sa amin pero.. Hindi ko mapigilan ang puso ko na sundin. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Kaya nakiusap ako sa kanyang tanggapin ulit ako kahit ano lang ang atensyon na ibigay niya sa akin. Ayaw niya, dahil mahal ka daw niya. Ayaw ka niyang saktan. Pero ng malaman ko na may nararamdaman pa siya sa akin ay nagmakaawa ako. Lumuhod sa harap niya para tanggapin ulit ako. Hanggang sa pumayag na siya."

Nagulat kami ng biglang hilahin ni Savvy patayo si Eli saka sinuntok ng malakas. Napatayo kami ni insan ng isang beses pa ay sinuntok niya ito.

Niyakap ko si Savvy sa likod habang si insan naman ay tinatayo si Eli. "Tama na Savvy, tama na." umiiyak kong sabi habang nakayakap sa kanya.

"Damn you Eli! You destroyed our relationship, you destroyed our friendship!" iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa likod ni Savvy. Patuloy lang ito sa pag mumura at pag duro kay Eli.

Marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakayakap sa kanya at hinarap ako. "And you! How could you do this to me!" mahina pero may diin nitong sabi.

Sorry lang ako ng sorry sa kanya. Habang umiiyak at pilit na lumalapit sa kanya pero ayaw niyang hawakan ko siya.

"Walang kasalanan si Hulog dito, ako ang pumilit sa kanya. Kaya wag kang-"

Hindi natuloy ni Eli ang sasabihin ng sumigaw si Savvy. "Shut the fuck up! Don't you dare say that it's all your fault! Dahil kahit anong pilit mo if she really loves me, she will not agreed to you! You fucking asshole! You both want this!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now