32

18 1 0
                                    

Naging close naman ulit kami ni Eli. Pagkalipas ng dalawang araw ay wala ng ilangan sa amin. Ginawa niya lahat ng effort para mawala ang ilang ko sa kanya.

Madalas ay kengkoy siya at malakas mang alaska. Pati ako ay dinadamay na sa mga pang aasar niya kila Mela at Kai. Hindi na din siya gaanong tumatabi sa akin o iwas siyang gumawa ng bagay na magkakaroon ng awkward na sitwasyon para sa aming dalawa.

Pinapasaya niya lagi kami pag naiinip kami nila insan at Mela. Minsan ay nanunuod kami ng movie bago matulog. Minsan nakatulog ako sa sofa ay binuhat niya ako papunta sa aking kama. Tinutulungan niya akong mabawasan ang sobrang pagkamiss ko kay Savvy.

"Insan, malapit na tayong umuwi. Hindi pa ba babalik si  Fafa Savvy?"

"Ewan ko nga insan. Masyado siya namomoblema sa isang client nila. Miss ko na nga siya eh.."

Ilang araw nalang kami dito sa Bora at uuwi na kami. Wala pa rin si Savvy. Ang huling balita niya sa akin ay nakausap na niya ang dati nilang modelo na nirerequest ng client. May isa daw itong kundisyon sa kanya na mas lalong naging kumplikado daw ang sitwasyon.

Ayaw ko na din kulitin si Savvy na bumalik dito dahil masyado siyang maraming iniisip ngayon.

"Basta mag enjoy ka lang jan. I'm okay here. I can fix this. Don't worry."

Yan ang sinasabi niya lagi sa akin. Ang mag enjoy lang at wag nang mag alala sa kanya.

"Hey girls! Luto na ang meryenda!" tawag ni Eli habang papalapit sa amin tulak tulak ang isang cart na naglalaman ng mga niluto niya.

Andito kami ngayon sa tabing dagat at naisipan namin maligo. Si Eli naman ay nagluto ng meryenda dahil nakakahiya naman daw sa aming mga bakasyonista.

"Grabe Tammy ha, malayo palang ako naririnig ko na mga alaga mo sa tiyan."

"Hahaha nakakatawa Eli." sabi ko sabay irap. Lagi niya kasi akong niloloko na may anaconda daw sa tiyan ko, kaya lagi daw akong gutom.

"Oh eto na paborito mong, tantanan!" natawa kami sa kalokohan niya bago buksan ang takip ng niluto niya.

"Carbonara, Pizza, at Sandwich"

Nanglaki ang mata ko sa mga pagkaing niluto niya. Napatingin ako sa kanya at natatawa siyang nakatingin sa akin.

"Dig in Tammy." sabi niya at kumindat pa sa akin.

Nagsitayuan na kami ni insan at Mela para kumain. Kinuha ko agad ang isang slice ng pizza at sinubo.

"Wooh! Ang sarap mo talagang magluto Eli!"

"Sige kain lang ng kain. Pagbalik ni Savvy dabyana ka na." inirapan ko lang si Kailene.

"Kasi naman, panay paborito ni ate Tammy niluluto ni kuya Eli." sabi naman ni Mela habang kumukuha ng sandwich.

Nagkatinginan kami ni Eli. Walang gulay sa mga niluluto niya dahil hindi ako kumakain ng gulay. Umiwas ako ng tingin ng nakitang  nakanganga siya at nagulat sa sinabi ni Mela.

Napahawak siya sa batok at parang natauhan na weird nga kung panay ang gusto ko lang ang niluluto niya.

"Eh hindi ko naman kasi alam ang gusto niyo. Mamaya sabihin mo sa akin ang paborito mo, iluluto ko."

"Joke lang kuya Eli. Kahit ano naman kinakain ko. Hehe"

Nagusap pa sila pero hindi ko na pinakinggan. Naagaw kasi ng isang puting van ang atensyon ko.

Nababa ko ang pizza na kinakain ko ng may bumabang lalaki sa van. Natigil din sa pag uusap sila Eli at sinundan kung saan ako nakatingin.

Tumakbo ako palapit sa van dahil kahit malayo pa, kilos palang ng lalaki, ay kilala kong si Savvy na yun.

Tamara Fall AyalaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora