24

42 1 0
                                    

[AN: SPG ALERT READ AT YOUR OWN RISK]

"Catch hindi nga tayo pwedeng magkatabi sa kama."

Gabi na at ready na sana ako matulog pero etong si Catch ay prenteng nakahiga sa kama.

Hindi naman ako makapasok sa ibang kwarto dahil nakalock ang pinto. Ayoko namang matulog sa sala.

"Eh saan mo naman ako gustong patulugin Babe?"

"Diyan." sabi ko at tinuro ang sofa na andito sa kwarto niya.

Nagwala wala naman siya na parang bata. "Eh ayaw! Gusto nga kitang katabi."

Napahawak nalang ako sa sintido ko. Sa isang buong araw namin magkasma ni Catch, isa lang ang napansin ko sa kanya. Napakapilyo at isip bata niya. Pero hindi naman ako naiinis. Dahil nakakatawa naman ang pagkapilyo at pagka isip bata niya. Pero ibang usapan ngayong gabi. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"Babe, wala naman akong gagawing masama. Matutulog lang tayo. Natulog naman na tayong magkayakap kagabi sa sofa. Ano naman ang bago kung matutulog tayong magkatabi sa kama. Hahayaan mo ba akong mahirapan jan sa sofa." nangongonsensya niyang sabi with paawa eyes look pa niya.

Napabubtong hininga nalang ako at nahiga na sa kama patalikod sa kanya. Wala akong magagawa, kailangan ko masanay sa kakulitan niya.

"Yes!" sabi niya at onti onting lumapit sa akin at niyakapa ako ng nakatalikod. Papikit na sana ako ng humirit nanaman ang pagkapilyo niya.

"Alam mo ba Babe ang tawag sa posisyon natin ngayon? Spooning." siniko ko naman siya pero tumawa lang ang loko.

Inaantok na ako kaya hindi na din ako nakipag kulitan sa kanya. "Goodnight Babe. Thank you." sabay halik sa pisngi ko. Nag goodnight lang din ako at natulog na.

****

"Good morning babe! Breakfast in bed." nagising ako sa boses ni Catch. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Bumangon na ako at dumiretso ng banyo. Siya naman ay inayos ang pinaghigaan namin.

Ganito araw araw, tuwing umaga ay hinahatiran niya ako ng pagkain sa kwarto. Sa tatlong linggo naming mag kasintahan ni Catch, ay hindi naalis ang pagiging maalaga niya sa akin. Kahit isip bata siya, ay ako pa din ang bi-ne-baby niya.

Pagkatapos ko gawin ang routine ko sa banyo ay lumabas na ako. Nasa kama na siya at nakahanda na ang pagkain naming dalawa.

Tumabi na ako sa kanya at niyakap siya. Inabot niya sa akin ang sandwich ko at nagsimula na kaming kumain habang nanunood ng tv dito sa kama niya.

Tamara Fall AyalaWhere stories live. Discover now