Chapter 1

102K 651 22
                                    

“Ly, will you please hurry up? Male-late na ako sa klase ko.”, sabi ni Denden sa bestfriend nyang si Alyssa. Nasa CR ito at naliligo pero 30 minutes na ay hindi pa lumalabas ito.

“Wait lang Den. Eto na nga o. Tapos na.”, sagot nito sabay bukas ng pinto. Nakangisi pa ito sa kanya. Pang-asar. Babae talagang to antagal-tagal maligo.

“Bakit ba tanghali ka na gumising? Alam mo namang matagal akong maligo. Diba nga ikaw ang lagi kong pinauna maligo. Where have you been last night? Napapadalas ata ang uwi mo ng gabi Den ha. Baka may ginagawa ka nang kalokohan.” Sunod-sunod na banat nito sa kanya na ikinatirik ng mata nya.

“Geez, Ly. Lumabas lang kami ni Mycs. Birthday kasi nung pinsan nya kahapon at sinama nya ako sa party.”, paliwanag nya dito.

“Kung saan-saan ka binibitbit nyang si Myco ha. Hindi pa man kayo nagiging layas ka na. Diba may exams ka ngayon sa isang major subject mo. Hindi ka na nakapag-aral.”

Hindi nya yata ito kaibigan kundi nanay nya. Ganito ito lagi pagdating kay Myco, manliligaw nya. Hindi kasi ito masyadong pabor sa lalaki dahil nayayabangan daw ito dito. Totoo namang medyo mahangin nga si Myco pero mabait naman ito at gentleman. Balak na nga nyang sagutin ito pagkatapos ng sem. Alam naman nyang susuportahan sya ng kaibigan nya sa lahat ng ikaliligaya nya.

“FYI Ms. Alyssa Valdez. Maaga po ako nakauwi kagabi at nakapag-aral pa po ako ng about three hours kaya tinanghali ako ng gising ngayon. Ikaw kasi itong maagang natulog kaya hindi mo ako naabutang dumating.”, sigaw nya dito para marinig sya nito galing sa banyo.

“Whatever Dennise. Wag mo kasi akong kalimutan tawagan next time kung saang lupalop ka na napadpad para hindi ako nag-aalala at hindi ako nakakatulog paghihintay sayo.”, ganting sigaw nito.

Napangiti sya. Napaka-caring talaga ng nito. Buti na lang at naging kaibigan at roommate nya ito. Tahimik lang kasi ito madalas samantalang sya ay maingay. Pero kahit ganon alam nyang click sila sa isa’t-isa. Madalas man syang barahin nito dahil nga sa sobrang ingay nya. Alam naman nyang mahal sya nito. Magiging mag-bestfriend ba kami kung hindi?

Computer Engineering ang kinukuhang kurso ni Alyssa samantalang siya ay Civil Engineering. Parehas silang 4th year na. Nagkakilala sila sa try-outs ng volleyball team sa kanilang eskwelahan kung saan sila kasali ngayon. Kahit parehong mabigat ang kurso nilang kinukuha ay nagagawa pa rin naman nilang isabay ang pagiging varsity player. At dahil nga kasali sila sa varsity team ng school nila, nakatira sila ngayon sa isang dorm kasama ang iba pa nilang teammates.

Dali-dali na nyang tinapos ang paliligo at talagang mahuhuli na sya. Nakita nya si Alyssa na nakatalikod sa kanya at inaayos ang mga gamit nito. May naisip syang kalokohan.

Niyakap nya ito mula sa likod.

“Thanks bestfriend. Mahal na mahal mo talaga ako. Lagi kang nag-aalala sa akin.”

“Ew Den. Pwede ba. Sabi ko naman sayong ayoko ng niyayakap e. At ni hindi ka pa nagdadamit. Kakadiri ka. Magbihis ka na. Male-late ka na.”

Tinawanan nya lang ito.

“Opo Madamme.”

“Whatever. Aalis na ako.”

- - - - - - - - - -

Muntik na ngang maging late si Den sa first class nya. Buti na lang medyo na-late din ang prof nila dahil may ginawa pa daw ito. Pero kahit ganon, hindi din sya masyadong nakapag-concentrate sa klase dahil sa nakaramdam sya ng antok. Kaya ang konsentrasyon niya ay napunta sa pagpipigil na mapapikit habang nagtuturo ang prof nila. Kapag kasi nahuli sya nitong nakapikit at yari sya.

That Kiss (feat. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon