Chapter 10 - Meet the Families

5.5K 351 39
                                    

Maine's POV

My whole family is too excited for today. Bakit ano ba meron ngayong araw na 'to? Well, pamamanhikan daw ng mga Faulkerson sabi ni Tatay. Hindi ko maisip bakit sila ganito kaaligaga, para namang napaka-espesyal ng gabing ito. This is just another part of the circus that I am currently into. Bakit ba kasi hindi na lang kami ikasal ng judge and after that mag-kanya-kanya na kami ng buhay, tapos na agad ang palabas hindi pa gagastos na sobra-sobra. From the last time I checked with Chloe, halos abot hanggang pang college tuition fee na ni Celestine and nagagastos ng mga Faulkerson sa circus na ito, sana ibinigay na lang nila sa akin at nailagay ko na lang sa trust fund ng anak ko.

"Hindi ka pa ba magbibihis? Ang sabi ni Ricky nasa toll gate na daw sila" Tatay Teddy asked

"Wala namang masama sa suot ko Tay, komportable po ako dito" I said

"Oo naman kung walang importanteng bisita ayos lang ang short at puting t-shirt sa bahay. Umayos ka Nicomaine Dei kung ayaw mong tamaan sa akin. Pumanhik ka sa kuwarto mo at magbihis ka ng maayos" Tatay told me

"Pwede rin po bang magkulong na lang ako sa kwarto ko Tay habang nandito ang mga bisita" I asked him sarcastically.

"Pwede rin naman, siguraduhin mong nakalock maigi ha, yung tipong hindi makakapasok si Celestine sa kwarto mo para dun ko patulugin sa kwarto namin ng Nanay mo. Malaki naman yung kwarto namin, pwede ko ngang ipagiba yung isang portion para magawang kwarto ng apo ko" Tatay said. There he goes again, alam na alam nyang gamitin ang anak ko para siguradong mapasunod nya ako.

"Bibihisan ko na rin po si Celestine" I said

"Pinabihisan ko na sa Yaya nya, wag ka nang mag-abala. Akyat na at baka abutin ka pa ng mga bisita sa gayak mong yan" he said and I was left no choice but to change.

In less than a few hours the visitors arrived, si Tito Ricky, malamang Lolo at Lola ni Faulkerson Jr. ito and a pretty young morena lady na kamukha ni Tito Ricky, most probably sya si Rizza.

"Welcome to our home, how are you Uncle Danny and Auntie Linda" My Nanay Mary said and gave her respect to the Faulkerson folks

"We are good, I'm happy to be back here Mary Ann" Lola Linda said

"Hindi pa rin nagbabago, mabuti naman you were able to maintain this house. Napakaganda pa rin" Lolo Danny said

"Thank you Uncle Danny" Tatay said "By the way please meet my children, This is Dean and Nicomaine" he said introducing us to the visitors

"I am happy to see you Dean and Maine, nakakatuwa na dalaga at binata na kayo, the last time I saw you eh sobrang batang bata pa kayo" Lolo Danny said

"And this little girl here is Celestine" Tatay said

"Hello Lolo, hello Lola" Celestine said habang nagmamano kay Lolo Danny at kay Lola Linda

"Mag-bless ka rin kay Lolo Ricky, kay Tito RJ and Tita Rizza also" Tatay said

"Hello Lolo Ricky, hello Tita Rizza and hello Tito RJ" Celestine said at nagmano din kay Tito Ricky, Rizza at RJ. I do not know pero hindi ko maintindihan ang expression ni RJ nung nag-bless si Celestine sa kanya.

"Ang layo ng byahe nyo, let's go straight to the dining room for our dinner" Nanay said "Salamat nga po pala sa mga ipinadalang nyong pagkain, sobra-sobra naman po ito Auntie, tayo-tayo lang naman ang kakain" she added

"Hindi ko kasi naitanong sa iyo kung ano ang favorite food ni Nicomaine kaya ayan pinadala ko kung ano ang sa tingin ko ang masarap" Lola Linda said

Just The Two Of Us (Completed)Where stories live. Discover now