Chapter 39 - Small Talk

6.2K 437 42
                                    

Maine's POV

I am too excited to hit the tracks again, this is extra special because my two housemates watch me for my jumps and it gives me different adrenaline to perfectly execute my stunts. 

Jacob maybe annoying sometimes but I could say that he really is a good trainor as he were able to guide me on my difficult jumps.  I am happy too that he stops bugging me about going out with him. 

Sabi na nga ba eh, kahit papaano may gandang idudulot ang arrange marriage na ‘to.  Those guys na madalas magpalipad hangin sa akin isa-isa nang nag-tame yung iba umiwas na rin talaga.  Dalawa lang naman yan eh, either nakita na nila sa newspaper yung wedding or dumidistansya sa tisoy na kasama ko ngayon.

“We need to polish the jumps a little more, don’t worry we still have less than five months to refine the tsunami stunt” Jacob said while he walks with me going out of the track.  RJ and Celestine are in the audience area.

“Akala ko ba we will start with the rock solid jump.  Kakayanin ko naman siguro” I asked

“There you go again, ito ngang isang jumps hindi mo pa ma-perfect, susubok ka pa ng isa.  Ang tagal mo kasi bago nag practice ulit.  Pasalamat tayo at na postpone yung competition, if not, luhaan ka na naman kasi maghihintay ka ulit ng dalawang taon para makasali dun.  Bakit kasi nagmamadaling mag-asawa eh ang bata mo pa naman” he said

“None of you business Jacob.  Sa motocross lang kita trainor, hindi sa pagpapatakbo ng personal na buhay ko” I said

“Mahilig ka talaga sa mukhang foreigner eh, kaya siguro hindi ako nagka-pag-asa sa yo” he said

“Grabe ka naman.  Do not underestimate yourself” I said

“Ibig mong sabihin, kung hindi ka nag-asawa agad pwedeng nagka-pag-asa ako sa yo?” he asked

“Hindi rin” I honestly replied

“Mahal mo ba talaga yang asawa mo?” he asked and I was surprised that he asked that.  Nahalata ba nya na arranged marriage lang ‘to?

“How dare you ask me that, na-offend ako” I said

“I’m sorry.  Naisip ko lang kasi, ang dami namang umaaligid sa yo pero bakit yung kamukha pa ni Patrick ang pinakasalan mo” he asked

“Nagkataon lang yun Jacob, wag kang mapanghusga” I replied    

 “Alam na ba nya na nag-asawa ka na?” he asked me

“Sinong sya? May iba pa bang hindi nakakaalam na nag-asawa na ako” I asked back

“Nakita ko kasi si Patrick days ago sa Bulacan, mukhang nagmamadali kaya hindi ko na naka-usap.  Sabi ni Lizette, nagtatanong daw tungkol sa yo?” he said

“Anong sinagot ni Lizette?” I asked him

“Sabi daw nya, hindi ka na nagpupunta sa Malolos tracks, tapos umalis na daw” Jacob replied

“Hayaan mo na sya, I’m sure by this time alam na nya na may asawa na ako” I said

“Basta dapat masaya ka Meng.  Deserve mong maging masaya." he said 

“Thank you Jacob, masaya naman ako eh, buo na ang pamilyang kasama ni Celestine. At mabait si RJ” I replied.  And speaking of RJ, mukhang hindi kinaya ang init sa tracks at malayo pa nakikita ko nang makakunot ang noo.  Sya may gustong sumama dito eh, magtiis sya sa alinsangan.

Richard's POV

I really hate this Jacob guy.  Feeling ko he is taking advance of his being Maine’s trainor, lakas makainit ng ulo. 

Just The Two Of Us (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن