Chapter 29 - One Fine Day - Lunch

5.9K 354 21
                                    

Maine's POV

Today is the first time that I will be attending mass without my family, I mean my Mendoza Family.   Nakasabay din namin sa pagsimba ang buong Faulkerson Family, seeing how smitten they are kay Celestine gives me a happy heart. 

“Lolo Ricky, why are you shaking hands with too many people? You might get sick” Celestine innocently commented

“Tama naman ang apo ko, baka magkasakit si Lolo Ricky because he has been shaking hands with different people who might be sick, baka nga naman mahawa sya” Lola Linda said

“So does it mean I could not get a kiss from Celestine because Lolo Ricky might pass on the sickness to her?” Daddy Ricky asked

“I can give you a kiss Lolo but I cannot go to school if I get sick too” Celestine replied

“Pasensya na po Dad, medyo taklesa na po talaga itong si Celestine” I said

“It’s alright, gusto ko nga na ganyan sya kadisiplina.  You really raised her well” Daddy Ricky commented

“Thank you po, Dad”  I shyly replied

“May alcohol ako sa kotse Dad, ni-require kasi nitong asawa ko na dapat meron daw nun sa kotse” RJ said and I know na nag-blush ako sa sinabi nya dahil lahat sila kitang-kita ko ang pigil na ngiti.  Ang awkward lang nung ‘asawa ko’ na term nya ah

“Mabuti naman, akina ang susi ng kotse mo at ako na lang ang kukuha at para dun na rin ako makapaglagay, mahirap nang magkasakit ang apo ko.  Dapat pala maglagay na rin tayo ng alcohol sa bawat sasakyan natin.” Daddy Ricky said at gusto ko talagang lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang kahihiyan.  Kasi naman itong anak araw na ‘to sinegundahan pa si Celestine.

“Let’s get inside, baka wala na tayong maupuan” Lolo Danny said

Ang hirap din pala ng ganito, yung gagawin mo ang mga bagay na hindi mo naman nakasanayan pero sa isang iglap wala ka nang choice kundi gawin na lang din.  

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako hindi nakapag-concentrate sa misa, hindi ko naman first time magsimba pero first time kong nafeel ang awkwardness.  At higit sa lahat sa tanang buhay ko ngayon ko lang naitanong sa sarili ko bakit kailangan pang mag-kiss sa ‘peace be with you’ part ng misa, pwede namang peace sign na lang di ba, but that is not how my family do it and now the Faulkersons is doing it also.  Susme, this is the most uncomfortable mass that I have ever attended.

RJ gave me a cheek to cheek para mapagbigyan lang si Celestine, tinanong kasi ni Celestine bakit hindi kami nag-kiss ni RJ so we had no choice but to at least mag-beso man lang kami sa isa’t-isa.  Ibig bang sabihin nito, may 51 Sundays pa akong ganito?

Daddy Ricky invited us to have lunch with them but I’m glad RJ begs off, hindi naman pala mahirap kausap itong si Tisoy kung dadaanin ko sa diplomasya.  Now I know that I just need to make him feel that I am on his side para hindi nya ako laging kinokontra.  Utang na loob quota na ako sa awkwardness sa araw na ‘to, hindi ko alam kung kakayanin ko pa if ever na sa Faulkerson’s mansion kami manananghalian. 

When we get home, we started to do what we have planned to do, to unpack.  We started working on Celestine’s room, I made sure that she can reach all the things she will be needing.  RJ helped us in it while we are waiting for our lunch.  I can see how RJ and Celestine enjoyed each others company.  

Nakakatakot lang talaga na she is beginning to have a deeper attachment with RJ, in everything that she does, this time, she makes sure that not only me, but RJ approves it too.  From where her pictures should be hanged to where her study table should be placed, RJ’s opinion already matters to Celestine so much and I find this as not a very good sign.

Just The Two Of Us (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang