Long-Distance Relationship

139 19 4
                                    

-Thank you ThonyMij for voting TPD (Chapter 2).

Long-Distance Relationship

by: composmentisgirl

Nang dumating ka sa buhay ko
Sayo na umikot ang mundo ko
Sayo laging nakatuon ang oras ko
Pero bakit ganun, iniwan mo parin ako?

Sa mga oras na ika'y kasama
Ramdam ko na ika'y masaya
Sa bawat kislap ng 'yong mga mata
Hatid saki'y lubos na ligaya

Ang ating pagmamahalan
Akala ko'y wala nang hangganan
Masasayang pinagsamahan
Bakit naglaho na lang ng biglaan?

Nagpursige sa ibang bansa
Dala ang pangarap ng isa't-isa
Mahirap ma'y 'di nawalan ng pag-asa
Ngunit bakit ako'y iyong pinaasa?

Sabi mo, "Mahal magpakatatag ka."
"Dahil kahit malayo ka mamahalin parin kita."
"Paglayuin man tayo ng ilang libong milya."
"Darating ang panahon na tayo'y muling magkakasama."

Tumatak sakin ang mga huling sinabi mo
Lalo na ng sinabi mong mahal na mahal mo ako
Hindi ko akalaing ako'y pagtataksilan mo
Sa kabila ng paghihirap at pagsasakripisyo ko alang-alang sayo

Matapos ang dalawang taong kontrata
Bumalik sa lugar kung saan unang nagkita
Naging sariwa 'di malilimutang alaala
At nag-unahang pumatak ang aking mga luha

Mahal, kung asan ka man ngayon
Sana'y 'di mo malimutan pagmamahalan natin noon
Pagmamahalang naging aking inspirasyon
Upang aking nawasak na puso'y bigyan ko ng atensyon

***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now