The Well-wisher

33 4 0
                                    

Requested by Vanesah Legatria

The Well-wisher

by: composmentisgirl

Sa damuhan ng kapatagan
Naparoon ang tatlong kabataan
Naglalaro ng taya-tayaan
Sa sikat ng haring araw sila'y nasisilayan

Matatanaw ang malalapad na ngiti
Ang mapupula at tuyong mga labi
Kahit pagod na'y sige pa rin ng sige
Ang batang lalaki at dalawang batang babae

Maraming taon ang lumipas
At ang pagkakaibigan ng tatlong kabataan, ay di pa rin kumukupas
Sa mga pagsubok sila'y dumanas
Sa mga problema sila'y nakaranas

Sa pagdaan ng panahon
Umusbong ang damdaming lulan ng kahapon
Damdaming mas lumalim ng lumaon
Damdaming 'di na kaya itago ng marami pang taon

Dalawang pag-ibig para sa isang puso
Dalawang babae para sa iisang tao
Sa lohikal ng pagkakaibigan sila ay talo
Ano ba ang mas mananaig, ang isip o ang puso?

Sinasabi ng isip kung ano ang tama
Sinasabi naman ng puso kung ano talaga ang iyong nadarama
Sabi ng isip, "Huwag! Masisira ang pagkakaibigang ipinundar mula pagkabata."
Sabi naman ng puso, "Pag-ibig ang pinakamalakas na sandata."

Sigaw ng puso'y kanilang pinakinggan
Kaya't sila'y lumapit  sa lalaki at sinabi ang nararamdaman
Isinugal ang ilang taong pagkakaibigan
Isinuko ang puso sa delikadong kapalaran

Ngayon ang lalaki ay naguguluhan
Anong gagawin niya upang walang masaktan?
Sino ang pipiliin niya sa dalawang kaibigan;
Kung ang mga ito'y kaniya rin palang nagugustuhan?

Isang araw, kinausap ni babae si lalaki
"Siya na lang ang piliin mo." buong puso niyang sabi
"Ayokong sa aming dalawa ika'y pumili."
"Ako'y susuko na. Siya sana'y pangitiin mo lagi."

Sa larangan ng pag-ibig siya'y nagpa-ubaya
Itinigil ang damdaming nagbigay ng munting saya
Mas piniling maging mag-isa
Kaysa makipagdima at makapanakit ng kapwa

***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now