EX

73 14 0
                                    

Requested by Iamkiristalin



Dedicated to ThonyMij. Thanks for voting ATNM (Friends List).



Ex

by: composmentisgirl





'Pag sinabing Ex sino ba ang naiisip mo?
Yung taong dating minahal mo?
Yung taong nanloko sayo?
O, yung taong nanakit sayo?



Paano nga ba nagiging Ex ang isang tao?
Dahil ba niloko ka niya?
O, dahil niloko mo siya?
Baka naman hindi lang talaga kayo ang para sa isa't-isa?


Sabi nila, 'pag mahal mo ang isang tao mananatili ito sa iyong puso't isipan
Pero sa paglipas ng panahon napag-isip-isip ko minsan
Maaari ngang kayo ang nakatakdang magmahalan
Pero hindi naman kayo ang nakatakdang magkatuluyan


'Pag sinabing Ex sasabihin agad nila
Sinaktan ka niya, sinaktan mo siya
'Di ba pwedeng bumitaw ka lang ng kusa,
Para ibigay ang kaligayahan sa kaniya?



'Pag sinabing Ex sasabihin agad nila
Kasalanan mo, kasalanan niya
'Di ba pwedeng iniwan mo lang siya,
Dahil alam mong masaya na siya sa iba?


'Pag sinabing Ex sasabihin agad nila
Tanga mo, tanga niya
'Di ba pwedeng pinalaya mo lang siya,
Dahil alam mong hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya?


'Pag sinabing Ex sasabihin agad nila
Ang bobo mo, ang bobo niya
'Di ba pwedeng tinapos mo lang ang lahat sa kaniya,
Dahil alam mong mali ang pagmamahalan ninyong dalawa?



Pero kung ako ang tatanungin niyo
'Pag sinabing Ex sino ba ang naiisip ko?
Simple lang naman ang sagot ko, "Isang taong bahagi ng aking nakaraan,
Na dapat kong pasalamatan. Sapagkat kundi dahil sa kaniya,
hindi ako matututong tumayo at humarap sa ano mang laban."




***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now