Ang Dakilang Siya

58 4 0
                                    

Ang Dakilang Siya

by: composmentisgirl

Sa isang panaginip nakita kita
Nakita kitang ibinubuwis ang buhay para sa iba
Nagsasakripisyo upang mailigtas sila
Inako ang parusa, na dapat ay sa kanila

Nakita ko ang walang-hanggan mong pag-ibig
Ang iyong pagmamahal na 'sing dalisay ng tubig
Pagmamahal na 'di mailalarawan ng mga himig
Pagmamahal na sa buong mundo'y dumidilig

Ngunit ang mundo'y puno ng masasakit na katotohanan
Puno ng poot, galit at kalungkutan
Mga tao'y nabulag ng kasamaan
Mga tao'y nabalot ng kasadlakan

Ikaw ang Alpha at Omega
Ikaw ang Diyos aming Ama
Ikaw ang Panginoon at pag-asa
Ang aming minamahal na bathala

***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now