The One That Got Away

73 13 3
                                    

The One That Got Away

by: composmentisgirl




Alam mo ba yung TOTGA?
Yung 'The One That Got Away' kumbaga
Yung naging kayo sana kaso umalis siya
Aray naman! Ang sakit-sakit nun diba?






Sa simbahan ay may dinadasal ka
Dinadasal mo nun na sana dumating na siya
Yung taong magbibigay sayo ng walang hanggang saya
At yung taong magmamahal sayo buong buhay niya







Isang araw ay may milagrong dumating
May naghahanap daw sayo sa labas tas pagtingin mo "Wow! Ang lakas ng dating."
'Di mo ma-describe yung nararamdaman mong feeling
Tas sabi mo "Lord, tinutupad niyo na ba ang aking hiling?"







Ilang araw kayong nagsuyuan
Ilang araw ding ika'y kaniyang hinaharanahan
Nagpapakipot ka pa sabay sabing "Tigilan mo na nga yan."
Tas sasagot naman siya nang "Ayoko, para ito sa iyong kaligayahan."





Dumaan ang mga araw at ika'y napamahal na sa kaniya
Nahulog ang loob mo sa isang lalaking sayo'y nagpapaligaya
Hindi ka mapakali at ika'y naguguluhan na
Tas tinanong mo ang sarili mo, "Mahal ko na ba siya?"





Lumipas ang ilang araw at napag-isip-isip mo na
"Di ko na kaya, dapat ko nang sabihin sa kaniya."
Pumunta doon sa tagpuan at nakita mo siya
Nakita mo siyang paalis na at may kasamang iba






Hiniling mo nun na sana kainin ka na lang ng lupa
Para mawala yung sakit at makalimutan mo na siya
Pero alam naman natin na imposible yun diba?
Imposible na makalimutan mo agad ang taong dahilan ng yung pagluluksa





Lubusan kang nasaktan
Nang taong bigla kang iniwan
Pero ito'y iyong pakatandaan
Napakaraming tao sa mundo, kaya't 'di siya kawalan












***

Author's Note:

Belated Happy Valentines Day! <3
Belated Ash Wednesday! †
Happy Chinese New Year! *pasabog fireworks*


Thank you for reading this. :-*

Truly yours,
Ate CM

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now