Kabataan

128 14 2
                                    

-Thank you JeanAmigo for voting Ang Tula Ni Maria(Note). This part is dedicated to you.-

Kabataan

by: composmentisgirl

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Isang katagang tumatak sa ating isipan
Ngunit sa panahon ngayon ating pagnilayan
Kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?

Makikita mo sa bawat sulok ng kanto
Mga kabataang pawang naghahanap ng gulo
Hindi niyo ba naaalala pagsasakripisyo ng ating mga ninuno?
Hindi niyo ba naaalala ang mga magigiting na Pilipino?

Tayong nabubuhay ngayon
Pahalagahan natin ang ipinaglaban nila noon
Sapagkat kung hindi nila iyon binigyan ng tuon
Paniguradong alipin parin tayo ngayon

Mga kabataang sinisira ang kanilang buhay
Mga kabataang sumusuko agad at nagpapakamatay
Bakit? Noong sinakop ba tayo winakasan din nila ang kanilang buhay?
Hindi! Lumaban muna sila bago sila binawian ng buhay

Marami ang problema sa mga kabataan ngayon
May nagdo-droga, may nabubuntis, at may nahaharap sa iba't-ibang sitwasyon
Ang mga kabataang ito'y nararapat bigyan ng madaliang aksyon
At bigyan natin sila ng puspusang atensyon

Ito sana ang paniwalaan ng bawat-isa
Ang buhay ng tao'y may iba't-ibang lasa
May matamis, masarap at puno ng sustansiya
Meron din namang mapait at punong-puno ng pagdurusa

Ngunit alin ka man sa binigay kong bersyon
Huwag mong kalimutang manalig sa Panginoon
Dahil kahit mahulog ka pa sa pinakamalalim na balon
Nandiyan parin siya upang ika'y ibangon

***

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now