Requested by jallen_klee
Dedicated to JebalMisseu. Thanks for following.
Our Past
by: composmentisgirl
Ang ating nakaraan
Ay patuloy pa ring dumadaloy sa aking isipan
Ngunit ang ating pagmamahalan
Ay naglaho na tulad ng isang lobo sa kalawakanBa't bigla ka na lang bumitaw?
Ang buhay ko'y biglang nawalan ng ilaw
Ang puso ko'y naguguluhan at naliligaw
Ang mundo ko'y parang tumigil sa paggalawPaaano na ang mga alaala?
Mga alaalang nabuo nating dalawa?
Kahit ito'y may halong lungkot at saya
'Di parin malilimutan ng aking puso sintaAng iyong mapupungay na mata
Na nagbibigay sakin ng kagalakan at saya
Ang iyong matatangos na ilong
Na pawang patuloy sa pagsulongAng iyong nakakaakit na ngiti
Na nagpapabawas sa aking pighati
Ang iyong matatamis na labi
Na sa aki'y minsan ng dumampiAng mahihigpit mong yakap
Na nagdadala sakin sa alapaap
Ang iyong mga paghihirap
Matupad lang ang iyong pangarapLahat ng yun ay kinalimutan mo na
Lahat ng yun ay tinapon mo lang na parang basura
Paano na ang mga pangako mo?
Paano na... ang dating tayo?***
BINABASA MO ANG
Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️
Poetry"Every drop of the rain A euphoria to a pen" -composmentisgirl (An anthology. A compilation of Filipino and English poesies.) Ang mga tulang ito'y alay Sa mga biktima ng kalupitan ng buhay Halina't maglakbay Sa mga linya't tugmaang binigyang kulay...