Inflation: Buti Pa Ang Presyo Nagmamahal

284 4 0
                                    

Inflation: Buti Pa Ang Presyo Nagmamahal

by: composmentisgirl

Kay rami-rami na ng problema ngayon,
Kabilang na ang tinatawag nating inflation.
Ang sobrang pagtaas ng presyo,
Ang pagmamahal ng bawat kilo.

Nagmahal lang naman ang kilo,
Ba't marami nang nagagalit?
Ganun na ba talaga kasama ang magmahal?
Na kahit hindi mo sinasadyang mahulog sa kaniya,
Nasasaktan ka pa rin at nagdudusa.

Buti pa yung presyo tumataas,
Eh, Ikaw? Kailan ka pa kaya tatangkad?
Kaya hindi ka crush ng crush mo, eh.
Kulang ka kasi sa height!

Pag-ibig na naman?
Diba dapat isyung panlipunan ang ating pinag-uusapan?
Lahat na lang ba ng bagay iuugnay sa gagong pagmamahalan?
Puwede ba? Tigilan niyo na yan!
Walang forever!
Tsaka, hindi ako nakaka-relate diyan.

Magbalik tayo sa inflation.
Ay! Ubos na pala stock ng pagkain namin kailangan ko nang mamalengke ngayon.

Naghanda ako ng kasuotan, pero napatigil ng ito'y masilayan.
Ito pala yung suot ko, nung bigla mo kong iniwan.

Kaya't dali-daling damit ay pinalitan.
Parang ikaw, ipinagpalit mo ko sa matalik kong kaibigan.


Matapos magbihis ay lumabas ako ng bahay.
Nagpara nang nagpara upang makasakay.
Pero ni isang tricycle, jeep, taxi, walang tumigil.
Pati ba naman sasakyan hindi ako pinapansin?!
Eh kapag chinachat nga kita palagi lang SEEN!

Wala akong ibang choice kundi maglakad.
Actually, 50 meters lang naman yung layo, malapit lang kaya nakarating ako agad.

Pumasok sa palengke at nakita ko ang napakaraming tao.
Ang mahal na nga ng mga bilihin ba't ang dami pa ring dumadayo?
Nakita kong napakasikip ng lugar na ito.
Kung ipipilit ko kayang padaanin ang sarili ko, makakarating kaya ako sa dulo?

Ay! Wag nalang! Kung ipipilit ko ang sarili ko wala rin namang magbabago.
Mahal ka niya, mahal mo siya.
Habang ako, naghihintay na maghiwalay kayong dalawa.

Unti-unting lumuwag ang daanan ng mga mamimili.
Isa, dalawa, tatlo.
Tatlong hakbang at biglang nag- slow motion ang ikot ng mundo.
Apat, lima, anim.
Parang bumabaliktad ang mga nakikita kong pananim.

Gagong ulan yan! Kaya ako nadudulas, eh!
Tingin sa kanan! Tingin sa kaliwa!
Ayos walang nakakita!

Unti-unti akong tumayo, unti-unti akong bumangon.
Tulad nung naghiwalay tayo, naging matatag ako at nag move-on.

Tuluyan na 'kong nakatayo, at nakita ko ang mga hinihiwang manok, baboy, baka, isda at iba pa.
Bigla kong naisip, ganyan kawasak ang puso ko, nung nagkatuluyan si Shancai at Daoming Si.
Pero joke lang...
Ganyan kawasak ang puso ko nung sinabi mong, "Pasensiya na. Bakla ako."

Pumunta naman ako sa tindahan ng mga sili.
At nakita kong isang libo ang kilo kung ika'y bibili.
Alam ko na ang solusyon.
Wag ka na lang bumili.
Hingin mo na lang yung isang kilo para libre.

Tsk. Mas mahal pa kaysa sa ibang masustansiyang gulay.
Ganyan naman talaga eh!
Kahit meron pang mas deserving,
Mas pipiliin yung iba dahil nga may FAVORITISM.

Ganyan talaga ang buhay!
Kahit alam mong masasaktan ka, susugal ka pa rin.
Kahit mahal yung bigas, bibili ka pa rin para lang may makain.

Kailan pa kaya uunlad ang Pilipinas?
Kailan kaya mamamatay yung lumandi sayong ahas?

Inflation.
Nagsasabing, huwag magsuot ng may butas na bulsa.
Pagbagsak ko kamakailan, ay nahulog ang aking isang daan.
Natatakot bumalik sa tirahan, kung saan si Abugbug Berna ay naninirahan.

Naramdaman kong may pumatak na tubig sa aking mukha.
Ulan ay ninamnam at ihinilamos sa aking mukha.
Pero teka, ba't ang panghi?
Binuksan ang mga mata at napasigaw.
JUAN! Huwag kang iihi sa may bubungan!

***



AN: Waley!😅 My second spoken word poetry.😶

Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now