2020

15 0 0
                                    

Sa taong Dalawang Libo’t Dalawampu
Sa kasagsagan ng isang dilubyo
Sa panahon kung saan dumadaan sa pagsubok ang mundo
Mayroon akong nakilalang isang tao

Isa iyong maaliwalas na umaga
Nakaupo sa espasyo ng bukas na gate umaasa na sana...
Makatanggap ng kahit konting ayuda
Kahit isang ligaw na sardinas okay na!
Kahit isang redhorse— este noodles solb na!

Umagang- umaga at nakikita ko nanaman 'yung mga chismosa naming kapitbahay
Hindi nagpapaawat kahit anong saway
Sinabi na ngang social distancing chismis parin ng chismis!
Ano Bdo lang? We find ways.

Araw-araw pareho lang naman yung chinichismis nila
'Yung pamilyang Bulagto na nanalo ng 700 Million Pesos sa lotto dalawang taon na.
Yung nanalo nakamove-on na sila hindi pa!

Move on- move on din kas...i
Siya may iba na ta's ikaw umaasa parin na babalik siya
Ano yan One Direction?
Na handa kang umasa kahit umabot pa ng ilang taon?
1D lang po yung may posibilidad na mag-comeback, pero yung sa inyo? Walang ganun!

Diba sa ECQ may batas?
Bawal magtipon-tipon, oh bawal magtipon-tipon.
Pero pag sinabing pag, nag comply ka na magbibirthday ka at marami ka namang handa,
inayos mo yung law ng ECQ at sinubmit ulit dahil mag kapangyarihan ka,
ay pwede na pala ikaw magkaroon ng pagtitipon.

Nakakalungkot lang isipin
Na yung mga naghahanapbuhay sa kalye lang yung laging napapansin
Pero yung nakakaangat sa komunidad hinahayaan lang kung ano mang gustong gawin

Wala naman akong magagawa
Kaya nag-abang na lang ako kung may ayudang dadating
Nag-facebook muna ko  at nanakop ng newsfeed habang kumakain ng saging
Ganun talaga pag walang ka chat.

Nagsi-share ako ng mga posts nang biglang nag notify yung messenger ko.
Binasa ko.
"Good morning ♡♡♡, wala ka namang jowa kaya ako na lang babati sayo."
Ay! Galing pala sa GC namin.
Nag reply ako,
“Salamat, pero may jowa ako.
Si Natoy na mahal na mahal ako.”
Tawang tawa ako sa joke ko, self- support ganun.

Matapos kung ma send ay nagtaka ako bakit nagkagulo yung mga kapit-bahay namin
May nagpapalista pala para sa mga bibigyan ng ayuda't pagkain
Ilang minuto lang at mayroong dumating
Isang lalaking matipuno at malakas ang dating

Binigay niya sakin yung dala niyang ballpen at papel
Pero nagtaka ako kasi may nakasulat na mensahe
“Wag kang tawa ng tawa at umayos ka ng upo,
mukha ka kasing masayahing unggoy na tumatae”

Aray ha!
Maganda kaya ako sabi ni Pepe,
Yung bulag sa kanto na nagbebenta ng kape.

Kinabukasan, nakita kong may dalang supot ng sardinas si kuya
Tinanong ko sya kung saan galing yung mga dala niyang delata
Sabi niya sa mga Bulagto raw
Yung chinichismis ng mga kapit-bahay namin araw-araw

Sila ang pinakamayaman sa barangay
Hindi ko pa nga lang sila nakikita kasi minsan lang naman sila lumabas ng bahay
Pero kahit ganun namangha parin ako,
Sapagkat kahit araw-araw silang sinisiraan ng mga tao
Palagi parin silang andyan at tumutulong ng buong puso

Bakit kaya may mga taong nangungutya, naninira,
Eh hindi naman nila alam kung ano ba talaga ang totoong istorya
Mga taong tutuklawin ka pag nakatalikod ka
Pero ang lakas humingi ng tulong sa tuwing nangangailangan sila

Hapon nang may natanggap akong mensahe
Galing kay James Bulagto, naku napaka gwapong lalaki
Nagulat ako kasi kamukha niya yung nagpalista kahapon
Juskolord! Nakita pa naman niya ko sa ganoong sitwasyon!

Kahit nahihiya ay binasa ko pa rin ang mensahe niya
Sabi niya, “May natanggap na kayong sardinas?”
Nireplyan ko, “Lata lang yung natanggap namin walang sardinas.”
Si-neen niya lang yung reply ko
Sa sobrang tawa siguro ay inatake na sa puso

Pero kahit ganun chinat ko parin siya
Tinanong ko siya kung bakit kahit palagi silang chinichismis ay parang wala lang sa kanila
At doon tumatak sakin ang mga sinabi niya.

"Sa panahon ng sakuna,
Sino ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang naman diba?"

"Sa oras ng pangangailangan,
Kung mayroon kang maibibigay ba’t ka magdadalawang isip na sila’y tulungan?

Ang pagmamahal sa kapwa ay walang hinihinging kapalit
Kusang loob mo iyong maibibigay kahit nakagawa pa sila sa iyo ng mga bagay na nakakasakit."

"Ang sakit na ito’y walang pinipiling edad, kasarian o ano pa ang iyong estado sa lipunan
Kaya’t sana’y tayo’y maging tapat at sumunod sa mga utos para sa ikabubuti ng ating bayan

Pairalin natin ang pag-ibig, kabutihan at pagkakaisa
Isantabi mo muna ang iyong galit, kasakiman at paggawa ng masama sa kapwa

Ang pag-ibig na walang problema ay talaga namang napakasaya
Ngunit ang pag-ibig sa gitna ng mga pagsubok ang nakakapagpatibay sa bawa’t pagsasama."

Taong Dalawang Libo't Dalawampu
Sa kasagsagan ng isang dilubyo
Sa panahon kung saan dumadaan sa pagsubok ang mundo
Mayroon akong nakilalang isang tao

Isang taong nagbigay ng kahulugan kung ano ba talaga ang pag-ibig
Pag-ibig na sanay ipalaganap natin sa buong daigdig

***

AN: Another spoken word poetry. I actually made this because of an online contest in facebook, and here's the link 👉 https://www.facebook.com/1857968954436083/posts/2649840625248908/?app=fbl 👈 Ghad, how to unhear?! Haha. That cringe feeling when you heard your own voice in a video. Lol! (BTW, stream Left 'N'Right by SEVENTEEN.)


Ang Tula Ni Maria [COMPLETED] ✔️Where stories live. Discover now